Butas-butas ang katawan ng isang hinihinalang drug user nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salaring riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si John Fever Salazar, 20, nakatira sa Block 29, Lot 6, Barangay Western Bicutan ng nasabing lungsod dahil sa anim na tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga nakatakas na suspek at patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigayon sa insidente.

Ayon kay Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District (SPD), dakong alas-7:15 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa kahabaan ng C5 Service Road, Northbound, SS Brigade, Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod.

Naglalakad umano ang biktima nang big­lang sumulpot ang da­lawang lalaking magka-angkas sa isang motorsiklong walang plaka at sabay na pinaulanan ng bala ang biktima na agarang ikinamatay nito.

Mabilis naman na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.