MALAPIT na ang press launch ng bagong drama series ni Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood (na nakatakdang mag-pilot sa Set­yembre 19).

Inaasahang tungkol sa panggagaya sa Arrow ni Stephen Amell ang matatanong sa cast lalo na kay Dingdong.

Ewan kung sasagutin pa ‘yan ng GMA Primetime King dahil nang pumutok ang isyung ito, hindi siya nagsalita.

Nakatulong pa yata ang isyung ito sa Alyas Robin Hood dahil curious na ang karamihan kung ginaya ba sa Arrow o hindi.

Dapat patunayan ng writers at production staff na hindi ito kinopya.
Totoo bang big­lang nag-revise sila ng script?

Pero kinopya man o hindi… keber lang! Ang mahalaga, magustuhan ng mga manonood at susu­baybayan nila.

Dapat maipa­kita ng Alyas Robin­ Hood na swak sa panlasa ng mga manonood kahit may pagkakahalintulad ito sa Arrow.