HAVEY: Matagumpay ang Filipino delegation sa 73rd Venice Film Festival (isa sa Top 3 international filmfests, at ang iba pa ay ang Cannes at Berlin).

Nanalo ang ating lahok na Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) ng pinakamataas na karangalan at iginawad kay Direk Lav Diaz ang Golden Lion Award for Best Film.

Sa kanyang acceptance speech, kinilala ni Direk Lav ang kontribusyon ng kanyang team at pinatayo sina Ma’am Charo Santos Concio, John Lloyd Cruz at Hazel Orencio.

Maluha-luha sina Lloydie at Hazel habang nagsasalita si Lav sa entablado habang si Ma’am Charo naman ay very regal at stunning sa kanyang unang international film festival.

Nominado rin ang Ang Babaeng Humayo for Best Actress, Best Actor, at Marcello Mastroianni Award for Best Young Actor or Actress.

Pagkatapos ng Venice Film Festival, nakatakdang ipalabas ang Ang Babaeng Humayo sa Toronto Film Festival.

It has been chosen to be part of the Wavelengths Programme with its core programmes happening sa opening weekend sa Art Gallery of Ontario’s Jackman Hall.

Ang balita ay sobrang dami raw fans ni Lav Diaz abroad.

Ang hinihintay, kung si Lav din ba ang magbibigay ng unang karangalan para sa atin sa napaka-elusive na best foreign-languange film award sa Oscars (Aca­demy Awards).

Isa pang katanungan, ngayong umaani na ng mga papuri at karangalan sa ibang bansa ang Ang Babaeng Humayo, paano kaya ito tatanggapin ng Pinoy audience?

Makakapasok kaya ito sa taunang Metro Manila Film Festival kung saan napapabalitang isusumite ito?

Abangan!

***

WALEY: Naganap kahapon ang grand presscon ng Magpahanggang Wakas na bagong teleserye nina Jericho Rosales, Arci Muñoz, John Estrada, Gelli de Belen at marami pang iba.

Kasama sa cast ang mahusay na bagong ta­lent na si Jomari Angeles na gumaganap bilang kapatid ni Jericho sa teleserye.

Ito ang unang niyang regular role sa isang primetime soap opera.

Dahil aral kay Direk Brillante Mendoza at naranasan na rin na mag-red carpet sa prestihiyosong Cannes Film Festival, matapang, edgy at walang nilalagay na limit si Jomari sa kanyang pagiging aktor.

Nang mabalitaan niya ang pananalo ng Pili­pinas sa Venice Film Festival, tinawagan niya ako agad at sobra siyang proud sa mga Pinoy artists.

Aside from a fellow Brillante Mendoza actor Coco Martin at ang kanyang katrabaho nga­yon na si Jericho Rosales, hangang-hanga si Jomari kay John Lloyd for taking on the role of a transgender prosti sa Ang Babaeng Humayo.

Para kay Jomari, ‘yun yung isang tatak ng tunay na aktor, gustong mag-explore at pinaghuhusay ang sining ng pagganap, at hindi naka-focus sa paglalagay ng limits.

Sa katunayan, isang mapanghamong papel ang ginagampanan niya sa bagong teleser­yeng Magpahanggang Wakas.

Tingnan natin kung saan hahantong ang walang limit na pag-arte ni Jomari rito, aber?