ANG Ma’Rosa (kung saan nag-best actress si Jaclyn Jose sa Cannes filmfest) ang aspiring entry ng Pilipinas para sa kategoryang best foreign language film ng Oscars.

Nalaglag ang Ang Babaeng Humayo (directed by Lav Diaz, starring Charo Santos & John Lloyd Cruz) na nagwagi ng Golden Lion sa Venice filmfest.

Ayon kay Direk Gil Portes (direktor ng Hermano Puli, na naikunsidera ring ilaban sa Oscars), ang problema ng Ang Babaeng Humayo ay mahaba (apat na oras) ang pelikula.

Base sa mga nakaraang pagsali ng pelikula niya sa Oscars, wala raw silang tiyaga sa mga mahahabang pelikula.

Ani direk Gil, “If the film deserves to go to the Oscars… ang problema lang, alam mo, ‘yung mga Jewish na matatanda, walang tiyagang manood ng apat na oras.

“Magwu-walk out sila talaga. Kaya we make sure na ‘yung three films na sinabmit namin sa Oscars noon ay less than two hours.”

***

Mas naka-focus daw ngayon si Aljur Abrenica sa nalalapit na sho­wing ng pelikula niyang Hermano Puli.

Masaya na raw siya na nagawa niya itong pelikula at naipakita niya ang malaking pagbabago pagkatapos niyang magpahinga nang matagal-tagal.

Nakapag-ikot na siya kasama ang buong production people ng Hermano Puli sa ilang paaralan para ipakilala si Hermano Puli sa mga mag-aaral.

Base sa mga natutunan niya, kilalang-kilala na niya si Hermano Puli.

Kinarir niya ang pag-internalize sa role dahil noong ginagawa niya ang pelikula, nagpaka-celibate siya kagaya ni Hermano Puli.