ISANG taon na, numero uno pa rin.

At tila hindi matitinag sa “sta­ture as reigning supremely during primetime” ang teleserye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsya­no.

Ang tagumpay ng serye ay patotoo sa alamat ni the late Fernando Poe Jr., na ang mga pelikulang kanyang nilikha ay laging may mga aral, na tama at katotohanan ang naghahari kaya noong naging serye na ito, dala pa rin nito ang tatak-FPJ.

Hindi ito bakbakan at barilan lang, suntukan at sipain. Bagkus, may puso, may aral, tumitimo sa pag-iisip at nakakapagbago sa mga taong bukas sa pagbabago.

Ang mga kuwento sa teleserye are timely as today’s headlines, presented in a gripping way, at nagpapakita sa husay at kakayahan ng mga artistang gumaganap dito.

Para itong series made from abroad. Ginagastusan ang action sequences. Inaalagaan ang plot lines at story arcs and every two weeks, may bagong characters na may dalang pasabog at payanig.

Ang central reason at strength siempre nito ay si Coco Martin, at ang pagkakasulat sa kanyang karakter na si Cardo Dalisay.

Tapat sa tungkulin niya bilang pulis, tagapagtanggol ng mga naapi, at mapagmahal sa kanyang pamilya at minamahal.

What makes Cardo even endearing is because alam mong hindi siya perfect.

Flawed siya. Nadadala minsan ng mga emosyon, at pamilya niya ang kanyang kryptonite.

Ang pagganap dito ni Coco, alam mong fully committed siya — sa isip, kaluluwa at puso niya.

Totoong-totoo sa kanya ang ideals at dreams ni Cardo.

Kaya walang naniniwala sa mga kiyeme latik na pralala mula sa kalaban.

People are hooked and loving every tiny bit and morsel of FPJ’s Ang Probinsyano lalo na ang pagbabalanse nito sa action elements at mga kwentong nagpapatingkad sa magaganda nating mga katangian bilang Pilipino.

Anu-ano ang mga ito?

Katapangan. Katapatan. Pagmamahal sa pamilya. Pagmamahal sa Diyos. Pagpapatawad. Pagpapa­kumbaba.

Pagiging mahinahon at huwag padalus-dalos. Pag-ayon sa tama. Pagwaksi sa kamalian at kabuktutan.

Aspirational ang karakter ni Coco. Dapat ang mga Filipino, tayong lahat, maging tulad niya.

Dapat sa tama tayo. Dapat tapat tayo. Dapat marangal at may prinsipyo tayo.

Kapit lang lagi sa katotohanan at sa Maykapal.

***

Coco Martin
Coco Martin

Being on air for a year is not an easy feat kaya palakpakan at malakas na sigawan para sa Ang Probinsyano team.

Maliban kay Coco, present sa press payanig si Ms. Susan Roces, Eddie Garcia, Albert Martinez, Jaime Fabregas, Yassi Pressman, Arjo Atayde, Pepe Herrera, Onyok Pineda, Macmac Briguela at sina direk Toto Natividad at Avel Sungponco.

Binigyang-pugay at pinasalamatang muli at hinandugan pa ni Coco ng bouquet of flowers si Ms. Susan.

Ang mensahe ni Coco kay Ms. Susan, “La, sahat po ng bumubuo ng FPJ’s Ang Probinsyano, mula sa aming cast, mula sa Dreamscape, sa ABS-CBN… La, mara­ming-maraming salamat po sa pagmamahal at pagtitiwalang ipinagkaloob n’yo po sa amin.

“Dahil po sa inyo kaya po nabuo ang FPJ’s Ang Probinsyano. I love you!”

Ang reaction shot ni Ms. Susan, “Maraming salamat, Coco. Nais kong pasalamatan si Coco Martin, ang Dreamscape dahil binuhay nila ulit ang alaala ni FPJ.

“Those who followed the movies of FPJ, naging adhikain niya ang ipakita that good triumphs over evil.

“Nandito si Jaime (Fabregas), na nakasama noon ni FPJ) para magpatunay niyan.

“Karamihan sa inyo marahil ay hindi n’yo pa napapanood ang mga pelikula ni FPJ. Tinatanaw kong malaking utang na loob ang inspirasyon na hinugot ni Coco sa mga pelikula ni FPJ.

“Isa lang siya sa iilan na nag-appreciate ng action movies ni FPJ at dahil diyan ay natuklasan niya ang FPJ’s Ang Probinsyano. “Mara­ming-maraming salamat sa lahat ng mga nanonood at sumusubaybay, at ang aming pasasalamat sa ABS-CBN at sa Dreamscape na isinabuhay nilang muli ang obra ni FPJ.”

Para na talagang mag­lola sa totoong buhay sina Ms. Susan at Coco.

Sinagip ni Ms. Susan si Coco matapos itong tanungin na, “How much are you worth now?” kasi nga, in a major, major way ang kasikatan nito bilang idolo ng masa.

Si Ms. Susan na ang sumagot sa tanong, “Coco is priceless.”

Ngayong nasa ikalawang taon na ang FPJ’s Ang Probinsiyano, ano pa ba ang dapat aba­ngan?

Paniniguro ni Coco, “Mula ngayon hanggang sa December, ‘yung napakatagal na hinihintay ng manonood, ngayon mabubuksan ang totoong kwento ng nangyari.

“Itong three months na ito, dito na po tatakbo ano ang mga totoong sekreto ng bawat character.

“Kaya nga po sisiguraduhin namin na sa loob ng tatlong buwan hin­ding-hindi kayo bibitaw dahil ito ‘yung pinakamatagal ng hinihintay ng mga tao na gusto nilang makita at malaman kung ano ang totoo,” pagtatapos ni Martin.

Bilang selebrasyon sa unang taon nila sa ere, may FPJ’s Ang Probinsyano, Isang Kapamilya Tayo, The Anniversary Concert, na magaganap sa October 8 nang 7:30 PM sa Araneta Coliseum.

Libre ito, huh!