Maagang nasira ang pagkababae ng isang desisais anyos na dalagita nang halinhinan itong gahasain ng anim na binatilyo sa ibabaw ng nitso sa loob ng Manila North Cemetery, kamakalawa ng gabi.

Sa sumbong ng biktimang si Michelle (hindi tunay na pangalan) sa Manila Police District–Women and Children Protection Unit (MPD-WCPU), nangyari ang panggagahasa sa kanya ng anim na suspek, pa­sado alas-11 ng gabi, kamakalawa.

Ayon pa sa biktima, niyaya siya ng mga suspek na dumalo sa isang birthday party ng isa nilang kaibigan sa loob rin ng nabanggit na sementeryo.

Nagkasiyahan at nagkainuman umano ang grupo hanggang sa pagsapit ng hatinggabi nang isagawa na ang panghahalay sa kanya.

Wala namang umano siyang magawa at hindi na nakapanlaban dahil sa kalasingan.

Nakapagreklamo lamang ang kawawang biktima sa pulis matapos iwanan ng mga suspek.

Mabilis naman na naaresto ang dalawa sa mga suspek na may edad 17 at 16, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang apat na kasamahan ng mga ito na pawang mga menor-de-edad din.

Nakatakdang dalhin sa pangangalaga ng Manila Social Welfare Department (MSWD) ang mga nadakip.

3 Responses

  1. yan kasi yung mga nag-magaling na ibang tao na kinontra yung curfew para sa kabataan at inakyat pa talaga sa S.C. ano ngayon ang masasabi nyo?dapat talaga may curfew ang mga kabataan para di napapahamak ng ganyan.

  2. ineng namaan, ang babae dapat pag 6:00 pm na pumipirme na sa bahay at hindi sumasama sa mga lalake para makikipag-inuman. kasalanan yan ng SC na nagTRO sa curfew, ungas din yung mga saumuporta sa mga kabataan na nagsampa ng TRO sa SC. yan b ang kalayaang gusto ng mga kabataan. kalayaang makipag-inuman at marape