Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na destin­y ang pagkakapanalo niya bilang Pangulo para maresolba ang malala na palang problema sa iligal na droga sa bansa.

Kasabay nito, binigyang-diin ng Pangulo­ na hindi­ titigil ang kanyang administrasyon sa kampanya­ kontra iligal na droga.

“The drug campaign will not end,” ani Duterte sa paglulunsad ng “Mentor Me” program ng Go ­Negosyo sa Davao City kamakalawa.

“I will not renege on that. There shall be no ­reduction in substance or in form,” dagdag nito.

Matindi ang paninindigan ni Pangulong Duterte na tuldukan ang problema sa iligal na droga sa bansa simula nang maluklok sa puwesto noong Hunyo 30.

Binigyang-diin nito na kailangan niyang ipagbawal ang iligal na droga habang siya ang pinuno ng bansa upang maisalba pa ang mga susunod na hene­rasyon mula sa perwisyong hatid nito na sumisira­ sa relasyon ng bawat pamilya at lipunan.

“Somebody has to do it for the Filipino. It’s a matter of maybe destiny,” sabi pa ni Duterte na hindi niya inaasahang na maging alkalde ng 23-taon at kalaunan ay maging Pangulo pa ng bansa.

3 Responses

  1. I believe n destiny talaga ang pagiging pangulo. nung manalo si noynoy noong 2010, ang iniisip ng marami, si binay ang magiging next pres. nung mga unang buwan ng campaign period for 2016 elections,akala ko si POE n ang next pres kaya nga siya ang tinira ng mga yelowturds. for d last minute tinangka k pang siraan ni trillanes at during bilangan, nagtangka pa c roxas n dayain ang PCOS, pero wala silang nagawa dahil destiny mo ang maging pangulo ng bansa.

  2. SALAMAT PO TATAY DIGONG AT IKAW ANG NAGING PRESIDENTE, NAKAKALUNGKOT LNG PO NA MAY IILAN PANG PILIPINO MAUTAK TALANGKA NA HINDI NILA NAKIKITA ANG MAGAGANDANG PAGBABAGO NA NANGYAYARI SA PILIPINAS. WE THE MAJORITY OF PINOYS SUPPORT YOU, THRIUGH THINK AND THIN, WE WILL SURVIVE AS A NATION WITH PRIDE

    1. Tama po. ang tinitingnan nila ang kapintasan ni digong pero yung mga nagawa niyang mabuti para sa bayan di nila binibilang. ako ok lng sa kin kahit palamura siya at least nakikita mo yung ginagawa niya. aanhin mo ang maginoo wala namang silbi