NATUPAD na ni Ai Ai delas Alas ang matagal na niyang pangarap na makasali sa international film festival ang pelikula niya.
Nangyari ito sa pelikula niyang Area (co-starring with Allen Dizon) na pinuri sa world premiere nito sa Eurasia International Film Festival sa Almaty, Kazakhstan.
Nabasa na namin sa Facebook account ng line producer nilang si Dennis Evangelista na hindi nila napigilang maiyak pagkatapos mapanood ang naturang pelikula.
Bahagi ng post nito sa kanyang FB account, “Somebody from the selection committee of Eurasia International Film Festival praised our film to high heaven.
“To quote… ‘this film is exceptional. The film is not about pimps and sluts. It’s about dignity…it’s about eternity..”
Na-late nang dating si Ai Ai sa world premiere dahil kararating lang niya ng Almaty.
Mula airport ay deretso na siya sa screening at doon niya na-experience ang pagsali sa isang international film festival na meron palang question and answer portion pagkatapos mapanood ang pelikula.
Kitang-kita mo ang excitement sa kanya na pati ang ID niya ay ipinu-post ni Ai Ai bilang first time niyang sumali sa isang international film festival.
Kahapon ay nag-post si Ai Ai sa kanyang Instagram account na hindi niya mapigilang maiyak sa mga papuri na natanggap niya sa mga manonood.
Bahagi ng post ni Ai Ai sa IG account, “Nakakataba ng puso at ganun pala ang pakiramdam ng niyayakap ka at pinapalakpakan ng mga hindi mo kalahi pero sa sobrang appreciation nila, mahigpit at genuine at sincere ang mga yakap nila sa’yo.
“May mga umiiyak or naluluha pa habang niyayakap nila ako and hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.
“Nag-thank you na lang ako nang nag-thank you dahil hindi ko masabi sa kanila kung paano ko maibabalik ang nararamdaman kong pagpapasalamat sa kanila.”
Halos iisa ang obserbasyon ng mga nakapanood na hindi lamang ito paglalahad ng buhay ng isang prostitute kundi ito ay kuwento ng isang ina, pananalig, relasyon at pag-ibig.
Kuwento pa ni Ai Ai sa IG, “May isa ngang director na lumapit sa akin and naluluha and may sakit daw ang nanay niya.
“After watching the film, pag-uwi niya yayakapin niya daw nanay niya, and mamahalin mo lalo ang nanay mo after watching the film.”
Patapos na ang naturang filmfest, at ang pagkakaalam ko, ngayong araw ang awarding.
Nawa’y may maiuwing parangal ang Area lalo na ang Best Actress trophy.
Sabi ng Kapuso actress, “Manalo or matalo, sabi ko kay LORD, I’ll still be your loving daughter hehehe arte-arte.
“Malaking pasasalamat na naka-attend ako ng international filmfest at naibahagi ko ang talentong ibinigay sa akin ng Panginoon.
“Kung manalo at papalarin hindi lamang ito para sa akin… ito’y para sa buong Pilipinas. Proud to be Pinoy.
Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.”