Kahit ano pang pagpuputak ang gawin ng mga kritiko, hindi maitatanggi kung ano ang magandang iniwang legacy ni dating Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino — malinaw ang mga numero at hindi­ nagsisinungaling ang ebidensiya kahit saang­ aspeto at anggulo suriin ito.

Sa huling survey ng Social Weather Station (SWS), hindi kailangang magpatanggal ng katarata o manalamin ng mga tumanda sa kara-rally sa Mendiola kung ano ang ebidensiyang nagpapatunay­ na matinong Pangulo si PNoy.

Napakahirap sa isang dating Pangulo ang makakuha ng mataas na net satisfaction rating lalo pa’t talunan ang “manok” sa nakaraang eleksyon at kasalukuyang ninamnam ng bagong administras­yon ang honeymoon na ipinagkaloob ng mga kritiko.

Bagama’t hindi nakakagulat ang mataas na satis­faction rating ni PNoy lalo pa’t naayon sa matu­wid na pamumuno ang tinahak nito, mapapansin na hanggang ngayo’y hindi nagbabago ang tingin ng publiko at hindi pinanghinayangan ang 6-taong pagtitimon.

Napakahirap makuha ang 50% net satisfaction rating bago bumaba sa puwesto subalit iba si PNoy dahil normal ang ganitong grado, sa simula hanggang umalis ito, as in consistent at kailanma’y hindi pinagdudahan ng nakakaraming Pilipino ang liderato­ nito.

Kumpara sa nakaraang SWS survey kung saan kainitan ng presidential election, mas tumaas ng 15% ang grado ni PNoy, ilang araw bago bumaba sa puwesto noong Hunyo 30 o malayo sa naunang 35% noong Abril.

Sa tala ng SWS, pinakamataas ang nakuhang rating ni PNoy sa paglinang ng science and technology (54%); pagtulong sa mga overseas workers (52%); pagtulong sa mahihirap (51%); pakikipag-ugnayan sa ibang bansa (48%).

Maging ang pagtatanggol sa ating teritoryo, naitala ni PNoy ang 45%; pagbabalik ng kapaya­paan sa Mindanao (43%); paglikha ng trabaho (40%); paglaban sa krimen (31%) at pagsugpo sa katiwalian sa gobyerno (27%).

Pinakamataas ang nakuhang grado ni PNoy sa Visayas region, ito’y nakapagtala ng 62%; kasunod ang Mindanao (60%); Luzon (45%) at Metro Manila (32%). At hindi rin maitatangging bumagsak ang rating ng dating Pangulo sa mga lugar na mas malakas ang hataw ng social media laban dito.

Sa dami ng problemang pinagdaanan ng adminis­trasyon ni PNoy, mapa-bagyo, lindol at iba pang delubyong gawa ng tao dahil sa pang-iintriga­ at likas ang pagiging tsismoso sa social media­ ng mga tao, hindi pa rin nagiba ang magandang imahe ng dating Pangulo — isang patotoo na kailanma’y hindi­ mananaig ang kasinungalingan sa katotohanan.­ Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

(Twitter: follow@dspyrey)