Agaw buhay sa pagamutan ang 35-an­yos na babae nang saksakin ng kutsilyo ng lala­king hindi nito pinautang ng pera kahapon ng umaga sa Pasay City.

Patuloy na ginagamot sa Pasay City Gene­ral Hospital (PCGH) ang biktimang si Annaliza Sumagon ng 107 Mulawin St., Maricaban ng naturang lungsod na nagtamo ng limang tama ng saksak sa dibdib at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa tumakas na suspek na si Brandon Pansacala, 28, tubong Davao del Sur.

Ayon kay PO2 Alfredo Aquino ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang mangu­tang ang suspek sa biktima.

Ngunit hindi ito pinautang, dahilan upang ma­galit at pinagsasaksak ang biktima.