Hindi pa pinal na hatol bagkus ay preventive suspension lamang.

Ito ang iginiit ni Pangasinan Rep. Amado Espino sa mga constituent nito matapos ang ipinalabas na 90-day suspension order ng Sandiganbayan sa kinahaharap na graft case.

Sinabi ni Espino na nais niyang linawin na hindi pa siya guilty sa ibinibintang sa kanya kaya naman huwag munang magdiwang ang mga kritiko nito kasabay ng paggigiit na lalabanan niya ang reklamo na isinampa laban sa kanya na tinuring nitong “pure fabrications and politically motivated”.

“This preventive suspension was bound to happen as a matter of legal procedure, even as the trial proper has not even started,” paliwanag ni Espino na kumpiyansang lalabas din ang katotohanan sa kaso laban sa kanya.

Si Espino kasama ang dating Pangasinan Administrator Raffy Baraan at Pangasinan Housing and Urban Development Coordinating (HUDC) Office Alvin Bigay ay ipinagharap ng kasong graft dahil sa illegal black sand mining operation sa lalawigan.

4 Responses

  1. hayup ka Espino dapat sa yo bitayin traidor k sa BAYAN!! asan kayo mga NPA akala ko ba BAYAN ang pinoprotektahan nyo hayan si Espino nilapastangan ang bayan at kalikasan BAYAD ba kayo??

  2. dapat sa mga korap ay kasuhan agad kung me matibay na ebidensya at speedy trial. Nakakaporma yan mga yan paghumahaba ang panahon na pagdinig. at pagnapatunayan kulong na hard labor o kaya kung mabigat bitayin. wala ng mga takot ang mga yan dahil sa me pera at kayang kayang paikutin ang hustisya. sana ay sa panahon ngayon di na naiikot pa.