Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging simple lamang ang tawag sa kanya sa halip na tawagin siya sa nakagawiang ‘Your Excellency’ kaya sa lahat ng mga official communications ay mas gusto nito na simpleng ‘President lamang’.
Maging mga cabinet secretary ay iniutos ng Pangulo na tawagin lamang ang mga opisyal bilang ‘Secretary’ at tanggalin na ang kadalasang ikinakabit na salitang ‘Honorable’.
“As a matter of policy, the President shall be addressed in all official communications, events or materials as ‘PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE’ only, and without the term ‘His Excellency’. All members of the Cabinet shall also be referred to as the “Secretary,” and without the term “Honorable” in all official communications” nakasaad sa memorandum na ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong July 15.
Sakop ng nasabing memorandum ang lahat ng “government-owned and-controlled corporations at iba pang instrumentalities ng pamahalaan subalit ang mga government agencies umano ay may sariling pagpapasya kung gagamitin pa rin ang terminong “Honorable” sa pagtawag sa kanilang mga opisyal sa mga internal communications.