‘Environmental’ welcome sa Rio

RIO DE JANEIRO (AP) – Simple, walang garbo, pero madamdamin ang opening ceremonies na inihanda ng organizers ng Rio de Janeiro Olympics.

Limitado ang budget, pinalamutian ng Brazil ang opening party ng games ng 31st Olympiad ng mensahe tungkol sa kalikasan – global warming.

Kumpara sa Beijing noong 2008 at London 2012, walang marangyang selebrasyon sa Rio. Wala ang mga maingay na party tulad ng nakagawian doon.

Nagpakita ng graphics ng world cities na nilalamon ng dagat. Umalingawngaw ang boses sa Maracana Stadium: “The heat is melting the icecap. It’s disappearing very quickly.”

Umindak si supermodel Gisele Bundchen sa tugtog ng “The Girl from Ipanema.” Sa pamamagitan ng fireworks, naiporma ang “Rio” sa kalangitan.

Ang dambuhalang Christ the Redeemer statue, binalot ng Brazilian yellow-and-green.

Nag-samba ang dancers, pero balot ang mga ito hindi ang karaniwang nakikitang litaw ang mga pusod.

Hiyawan ang crowd nang tawirin ni Bundchen habang sumasayaw ang magkabilang side ng 78,000-seat arena.

Si Brazilian marathoner Vanderlei Cordeiro de Lima ang nagsindi ng cauldron.