‘Feeling’ purdoy bumagsak

martin-andanar

Itinuturing na record low ang pagbagsak ng porsiyento ng bilang ng mga mahihirap na Pinoy ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ikinalugod naman ng Palasyo ang nasabing resulta ng survey at sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na panibago itong good news.

“Iyong self-rated poverty according to the SWS, ay bumagsak. It’s a record low. Ito po ay magandang survey ulit ng Business World at SWS. Nakalagay po dito—the percentage of Filipinos considering themselves poor hit a fresh record low last quarter, according to results of SWS survey that signaled a good start for the new Duterte administration’s push to slash official poverty rate to 16-17% by the time it steps down… he steps down in mid-2022 from 26.3% as of the first half of 2015. So, bumagsak po ang self-rated poverty ng ating mga kababayan…at ginawa po itong survey noong September 24 to 27. Kaya this is also one guidepost that tells us that na tama nga ang ating ginagawang mga reporma, mga fiscal reforms, ating mga tax plan reforms, paliwanag pa ni Andanar.