‘FVR, best man for the job’

Eksaktong-eksakto si dating Pangulong Fidel V. Ramos na maging kinatawan ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa China upang maresolba sa diplomatikong pamamaraan ang gusot sa pagitan ng mga Intsik.

Ayon kay Isabela Rep. Rodolfo ‘Rodito’ Albano III, malaki ang magagawa ng dating Pangulo kung tatanggapin nito ang inaalok na papel na kanyang gagampanan.

“Sino ba ang pinakamagaling na diplomatiko na nakita mong very cool, nananabako lang, kumakausap ng mahinahon. As a leader, we have seen in President Ramos, bakit hindi.

Malawak ang pag-iisip, matalino, sundalo rin. Pinakamagandang ginawa nila ‘yan at saka pinakamaganda ‘yung policy na ginagawa ni President Duterte. Ako ay bilib na bilib sa desisyon na ‘yun,” pagpapaliwanag ni Albano.

Kaugnay nito, binanggit ng solon na hindi na umano dapat pang ulit-ulitin at ipamukha sa China ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitrations (PCA).