Tuluyan nang pumosisyon nang buong tigas si Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing hindi ito natatakot kahit iatras man o tuluyang bawiin ng Amerika at European Union (EU) ang mga ayudang ipinamumudmod sa Pilipinas.
“I do not expect (US President Barack) Obama, I do not expect the EU to understand me…Do not understand me, and if you think it is high time for you guys to withdraw your assistance go ahead we will not beg for it,” mariing pahayag ni Pangulong Duterte nang bumisita ito sa isang police camp sa Butuan City.
“We have a problem here trying to preserve our society and you mess up by human rights, human rights tinatakot pa ninyo kami assistance, assistance… Anong paningin niyo sa amin? How do you look at us? Mendicants sige lang sunud-sunod lang kami,” dagdag pa ni Pangulong Digong.
Binigyang-diin ng Presidente na iatras man ng mga naturang bansa ang tulong ay makakaraos pa rin ang mga Pinoy.
Aniya pa, kung kinakailangang magsakripisyo ay siya ang nakahandang mauna.
“…we will survive, we will survive maski magkahirap dito. I will be the first one to go hungry I will be the first one to to die of hunger… ‘wag kayong mag-alala… but we will never never compromise our dignity as a Filipino… hirap na nga eh,” pagdidiin ni PDu30.
Samantala, inamin naman ng Malacañang na sa ngayon ay pinag-aaralan ng gobyernong Duterte ang lahat ng mga kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
“Lahat ng treaties naman e pinag-aaralan natin,” ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang pulong-balitaan sa Malacañang kahapon.
Ayon pa kay Abella, sa kabila ng mga matatapang na pahayag ng Pangulo laban sa Amerika ay hindi naman masasabing nanlalamig ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Nagbigay din ng paliwanag ang Palace spokesman patungkol sa usapin ng kapakinabangan ng mga tropang Pinoy at American troops sa ginagawang mga war games o joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
“…ang talaga naman at sa pagkakaintindi ko na ang talagang nagkakaroon ng benepisyo e ‘yung sundalo ng Estados Unidos dahilan sa sila ‘yung natututo hindi naman sinasabing wala tayong nakukuha meron din naman tayong natutunan. Pero ang sinasabi parang mas nagiging pakinabang para sa kanila kaysa sa atin,” ani Abella.
Tsk tsk. Wala sa hulog.
Isa kang tunay na makabayan Mr. President.. hwag mo na lamang pansinin ang mga taong pilit kang hinihila pababa… hindi nakaka-intindi ng mga sinasabi ninyo.. Sasandal sa ibang bansa??? eh kaya nga sabi niya tatayo tayo as a nation…. open lang natin ang investment para sa dating hindi makapag invest dito sa pinas… dami kasi nagmamarunong eh kagaya ko lang din nman na hindi lahat nauunawaan…Opinyon ko lang…
OH EH ANU BA PAGIGING OFW?DI BAT PAG SANDAL D RIN YAN SA IBANG BANSA?KUNG GANUN GUSTO NYA GUMAWA SYA NG MARAMING TRABAHO SA PINAS TAPOS PA UWIIN NYA YUNG MGA OFW SA IBANG BANSA?AGRRE?
Pasensya na po sa di ko pag sang ayon… opinyon mo yan eh kaya wala akong karapatan na sabihing mali ka… iba ang sinasabi kong pagsandal… yung nag aabang lang sa tulong ng ibang bansa, yung wala na gagawin kundi ang gastusin lang ang ibibigay na biyaya kagaya ng isang pulubi na malakas ang pangangatawan pero umaasa sa limos… kaming mga OFW ay pinagtatrabahuhan namin ang kinikita namin… nauunawaan kong yun lang ang sakop ng pag iisip mo kaya wala akong masasabi kundi pang unawa opinyon mo…
Pag bumagsak ekonomiya, andyan ka pa rin dutiti kumakain at marangya pa rin ang buhay. Sino ang magdudusa kundi kaming mga mamamayan. Hoy mga dutards, sama sama tayong maghihirap
ikaw lang ang maghihirap dahil wala ka nang shabung sisinghutin…hahaha
HOY …PA UWIIN MO NA MGA OFW KASAMA C DU30 DAHIL AYAW NYANG UMASA SA IBANG BANSA?
Most people do not know that aid is not free. They are overpriced junks paid as new with interest.
ADIKKKKKKKKKKKKKKKK!!!!!!!!!!!!
Nagyayabang na naman si Lolo as if buong Pilipinas, ayaw sa US. Idadamay pa ang kanyang mga kababayan. FYI, ikaw lang naman at mga minions mo ang ayaw sa US. Gusto daw tumayo sa sariling paa. Pero sasandal din sa Russia at China.
New Business from Russia and China are coming.
Start na ang China and Russia mag pasok ng business ng droga. Kakahuli lang sa airport.
Sana maging mahinahon at suruhin at di pikon. Ignored na lang niya ang mga Media na nag papagulo at maling balita. Just do you job at maging mahinahon.
Naiisahan si DU30 ng mga media at ini inis kaya alam na mag sasalita ng mabaho si DU30.
Just do your job sugpuhin ang mga Drug lords and magnanakaw sa gobyerno.
Huwag maging pikon.
sugpuin ang kurakot na katulad ni gloria?bakit nya pinalaya?asus!
hahaha ayan nag-umpisa na nga..