Binasag kahapon ni Sen. Leila de Lima ang kanyang pananahimik hinggil sa tunay na papel ni Jaybee Sebastian, isang inmate sa New Bilibid Prison (NBP) na itinutu­ring ng mga witness ng Kamara na “hari ng bilibid” at sinasabing karelas­yon at nagbibigay­ ng ­payola sa senadora noong kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).

Sa isang press conference, isiniwalat ni De ­Lima na si Sebastian ay isang ‘asset’ ng administrasyon­g Aquino para wasakin ang ­illegal drug trade sa NBP at hindi niya “lover” taliwas sa pinalalabas ng mga testigong iprinisinta ni Justice Secretary Vitaliano­ Aguirre sa pagdinig ng House committee on justice noong Martes at Miyerkules.

“The reason why I am saying that he is an asse­t is because to dispel ‘yung mga haka-haka na naman, ‘yung mga malicious ­insinuations na the reason why hindi na muna­ siya sinama dun sa Bilibid 19 is because favored, protektado and then lalo na ‘yung insinuation na ‘yan na siya­ ang kumukulekta ng pera para sa akin. Let him ­address that. If he wants to testify let him address that,” diin ni De Lima.

Ayon sa senador, sina­ Sebastian, dating Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC)­ executive director Reginald Villasanta­ at dating Bureau of Corrections (BuCor) director­ Franklin Jesus Bucayo ang hinihingan niya ng impormasyon kung kaila­n dapat isagawa ang raid sa NBP.

“Sila talaga ang nagsu-­supply sa akin ng information to guide me on whether or not to proceed with the raid,” pag­lalahad ng senadora.

“Sila ‘yung nakaka­alam ‘yung mga sources. Sila ang mga kinunsulta ko kung sinu-sino ‘yung mga ililipat kasi mga confirmed based on intel source na may ano sa droga,” paliwanag ni De Lima.

Sa testimonya sa Kamara­ ng dating police officer at kidnapping convict ­Rodolfo Magleo, sinab­i umano sa kanya ni Sebastian­ na binayaran niya ng P10 milyon si De Lim­a para ilipat ang Bilibid 19 mula sa maximum security­ compound ng NBP patungong National Burea­u of Investigation (NBI) sa Maynila noong Disyembre 2014.

Ang Bilibid 19 ay high-profile convicts na ipinalipat ni De Lima sa NBI matapos madiskubre ang mga kontrabando sa kanilang mga selda. Kabilang sa grupong ito ang drug lord na si Herbert Colanggo na ginamit ding testigo ni Aguirre laban kay De Lima.

Inalmahan din ni De Lima ang mga insinuwasyon, base sa testimonya ng mga testigo, na ilang beses siyang bumisita sa kubol ni Sebastian sa NBP at nagkulong pa sila roon ng ilang oras.

“‘Yang mga insinuations na ‘yan na I stayed there what? Hours? Ano na naman ang pinapalabas nila diyan? That’s completely false! That is very malicious! Kasama ‘yan sa script nila para lalo nilang siraan ang pagkatao ko,” diin ng senadora.

May paliwanag naman si De Lima kung bakit naitsapuwera sa raid sa NBP ang PNP-CIDG at PDEA. Ito’y dahil sa may isyu daw si Bucayo laban kay dating CIDG chief Benjamin Magalong.

“May issues sila relating to the personality of General Magalong,” ani De Lima.

Kasabay nito, sinabi ni De Lima na inaabangan muna niyang matapos ang hearing ng Kamara bago maghain ng mga kaukulang kaso, tulad ng writ of amparo at ang landmark law na “habeas data”.

Samantala, sa Kamara, sinabi ni Maguindanao Rep. Zajid Mangundadatu na para agad makakuha ng ebidensya ay isailalim sa forensic examination ang cellphone ni Sebastian para makita ang mga transaksyon nito patungkol sa bentahan ng illegal drugs at ang sinasabing pagre-remit ng drug money kay De Lima.

12 Responses

  1. ang intindi ko sa ASSET ung dapat discreet ang identity, I mean if lapitan man sya ng Gobyerno ung walang ibang tao makaka alam at makakakita
    so kung ASSET nga, alam ng lahat nag witness

    so anong silbi ng ASSET nila? palusot?

    1. MAGALING MAGSABI NG TAMA, EH ANO ITONG GINAWA NI AGUIRRE PURO MGA NOTORIOUS DRUG LORDS ANG GINAWANG MGA WITNESS IN EXCHANGE OF IMMUNITY. PINAPATUNAYANLANG NILA NA SANAY SILANG MAKIPAGDEAL SA MGA CRIMINAL PARA MAPAGTAKPANG ANG MGA KABUKTUTANG GINAWA.

  2. Wala naba talagang masasabing maganda si Madame Senator??? Asset ng Gobyerno??? Kung ang tinutukoy mo ay Gobyernong manhid at lulong sa droga… maniniwala ako sau madame… san ka nakakita ng ganun klaseng kulungan, kumpleto sa amenities at may office pa… ganun ba lahat ng asset ninyo??? yung mga alagad ng batas at mga sundalo ba ay hindi asset ng gobyerno? mukhang mas tamang sabihin nga na asset mo lang madame… hwag mo naman gawing tanga ang majority ng mga Pilipino ngayon…

    1. MARAMI SA KANILA AY LIABILITY NA SILANG PROTECTOR NG MGA DRUG LORDS NA NGAYON SILANG PUMAPATAY SA MALILIIT NA ASSET NILA PARA WALANG MAKAKAPAGTURO NG MGA KAHAYUPANG GINAGAWA.

  3. Ngayon naging asset na, kaya pala may sariling white house so pag asset ka pwede lavish lifestyle sa loob. Nakikiusap na nga si Gen. Bucayu na huwag i raid ang NBP ngayon asset pala.

  4. Noon pa sinasabi ko nang tanggalin ang comment section nitong Abante kung hindi mase-censor ang mga salitang kabatusan ng mga nagse-share dito dahil sobrang malaswa ang mga salita ng iba at hindi magandang mabasa lalo na ng mga kabataan.

    1. hahahahahahah!!!!!!! natumbok mo dre, sapolllll!!!!!!! Bullseye ika nga eh kumabaga sa larong dart, HINDI LANG CHERRY SAMA MO NA STRAWBERRY AT APPLE EHEHEHE, NAKANA MO!!!!