HAVEY: Sa pagtatapos ng Rio 2016 Olympics, ang natatanging achievement ng bansa ngayon ay ang ating silver medal, na natamo ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.
Kanina, naikot na ni Haidi ang mga morning show ng networks para magbigay ng mensahe ng pasasalamat at inspirasyon na sa pagsisikap at dasal nakakamit ang pangarap.
“Masaya ako at dahil sa sports, nagkakaisa ang sambayanan,” sabi ni Haidi.
Sa gitna ng isyu ng patayan at droga at politika sa ating bansa, isang good news na nakaka-good vibes ang pag-uuwi ng karangalan ni Hidilyn para sa ating bansa.
Sa fast talk interview ni Haidi kay Tito Boy Abunda, napaka-telling at nakakaaliw ang mga sagot ni Haidi.
Nang tanungin siya kung ano ang madalas na tanong na itanong sa kanya, ang sagot niya, “Kung tomboy ba ako.”
Nang tanungin ni Tito Boy kung paano niya hina-handle ito, ang sagot niya ay, “Wala naman pong masama duon, pero hindi po ako tomboy.”
Sa tanong kung sino ang showbiz crush niya, ang sagot niya ay si James Reid.
At nang tanungin kung hindi siya atleta ngayon, ano ang kanyang magiging pangarap, ang sabi niya ay maging ina.
Inihahanda na ang espesyal na Maalaala Mo Kaya feature sa buhay ni Hidilyn sa darating na Setyembre.
Mapagbigyan kaya si Haidi na si Angel Locsin ang gumanap sa kanya? Abangan natin ‘yan!
***
WALEY: Sa isang tribute special sa isang programa sa TV, gustung-gusto ng staff na parangalan ang isang music icon pero parang hindi ito kumportable sa mga parangal.
Kung pagbabasehan kasi sa mga kantang nilikha at nagkaroon ng mass following, ibang klase ang impact ng mga likha ng kompositor na ito.
Pero dahil mailap siya sa mga tribute at guestings, nauna pa tuloy na pinarangalan ang isa pang singer-songwriter na kabilang sa grupong kalaban ng naunang kompositor.
Sayang, kasi, relevant na naman ang grupo ng kompositor na ito. Ang taas ng value ng ads nila at kahit na anong reunion na meron sila.
Eh ‘yung kalabang grupo, parang malabong magka-reunion. Hindi nila makumbinsing sumama ang original lead singer nila. Sayang.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.