Umapela sa mga mamayan ang Simbahang Katolika na huwag mag-panic matapos ang madugong pagsabog sa Roxas Boulevard night market sa Davao City.

Kasabay nito, hinimok ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Father Jerome Secillano ang taumbayan na  maging vigilant o mapagmatyag at makipag-cooperate sa mga otoridad sa gitna ng mga banta ng karahasan sa bansa.

“We are calling the people to become vigilant, cooperate with the authorities and stop criticizing. Let us not panic in these trying and chaotic moments,” panawagan ni Father Secillano sa Radio Veritas

Gayundin, hinimok ng pari ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat para protektahan ang mamamayan sa banta ng lawlessness.