sunshine-dizon
               SUNSHINE DIZON

DINAGSA ng sangkatutak na panlalait si Clarisma Sison, ang babaeng pinagbibintangang kalaguyo ng asawa ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan.

Kay Sunshine ang simpatiya ng karamihan, kaya na-bully si Clarisma pati na si Timothy.

Minabuti ng dalawa na huwag nang magsalita para hindi na lumala ang isyu.

Ang mga abogado na lang nila ang pinagsalita at tikom muna ang bibig ng dalawa.

Pagkatapos naming umalis sa QC Hall of Justice na pinagdausan ng hearing, nakatanggap kami ng text message mula kay Timothy na humihingi ng paumanhin sa hindi niya pagpaunlak ng interview.

Magsasalita siya kapag ready na raw sila. Sa ngayon ay hindi pa.
Pagdating kay Sunshine, mukhang mahinahon na ito pagdating kay Timothy.

Nabanggit ni Sunshine na pinapayagan na niya si Timothy na makita ang mga anak nila.

Dati kasi ay sa telepono lang niya in-allow na makausap ang mga bata, pero ngayon ay nakikita at nakakasama na ni Timothy ang mga ito.

Pinapasundo sa bahay nila ang kanilang dalawang anak at ibabalik na lang pagkatapos nilang lumabas.

Posibleng mapapatawad ba niya ang kanyang asawa at hindi na ituloy ang kaso?
“He will always be the father of my children,

“But forgiveness, that’s something na ano… I don’t know pa,” deretsong pahayag ni Sunshine.

Magsisimula pa lang ang hearing kaya wala pa raw sa isip niyang makipag-ayos.
Lagi raw humihingi ng patawad sa kanya ang asawa, pero hindi raw niya sinasagot.

Sa ngayon ay pursigido siyang ituloy ang kaso at kung ano man ang kahihinatnan nito, bahala na.

“Kung puwedeng makulong, makulong,” pakli ni Sunshine.
Tanggap ba niya sakaling ikulong ang ama ng kanyang mga anak?

“Depende na nga ‘yan sa kung ano ang mangyayari. Siyempre, masakit pa rin sa akin ‘yun.

Kahihiyan pa rin namin ‘yun,” sagot ng Kapuso actress.
Basta sa ngayon ay pursigido raw siya sa isasampang kaso.

“I want this to be a lesson for all the home wreckers out there. Hindi basta-basta kayong may karapatan na manira ng pamilya. Lalo na ang mga anak, because the children suffer.

“Ako, as a legal wife, I’m standing my ground and I will fight for my right. Hindi na uso ngayon ‘yung iiyak-iyak ka diyan sa tabi at hindi ka lalaban.

“This is for my children and to make them understand and know that you just don’t bend down kung may mali. Ituwid ang mali, di ba?

“Ang kapatawaran, that will come. We’ll see kung ano ang dapat nilang gawin. Pero as of now I did my best. I fought for my right.

“Kasi, I don’t want to have regrets in the end na bakit hindi ko dinemanda, bakit wala kang ginawa, bakit umupo ka lang?

“Basta alam mong nasa tama ka, ilaban mo,” pahayag ni Sunshine.

***

Kahapon nang umaga ay ipinagpatuloy ang hearing nina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa Quezon City Hall din.

Wala lang kaming nakuha pang impormasyon kung ano ang nangyari.
Ang huling nasabi sa amin, kailangan daw dumalo ng dalawa.

***

Si Donita Rose ay pansamantalang magpapahinga raw muna sa trabaho sa showbiz pagkatapos nakumpirmahang hiwalay na rin sila ng asawa niyang si Eric Villarama.

Ang alam namin, kailangan muna niyang magpapayat bago siya isalang sa trabaho.

One Response