Ganito inilarawan ni Senador Leila De Lima ang kanyang sarili dulot ng aniya’y matinding paangigipit sa kanya ng administrasyong Duterte.

Aminado si De Lima na labis siyang nalulungkot at nasasaktan sa mga nangyayari ngayon sa kanya gayong ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang senadora.

Aniya pa, hindi na niya alam kung ano ang magiging katapusan sa nangyayari sa kanya.

“Bukas hindi ko na alam kung ano na naman ang susunod na mangyayari. Bukas hindi ko na alam kung andito pa rin ako. I feel I am a dead woman walking,” ayon pa kay De Lima.

Una nang sinabi ni De Lima na balak na niyang magpasaklolo sa korte upang maprotektahan naman umano ang kanyang mga karapatan na sobra ng nilalabag sa ginawang paggigipit sa kanya.

Si De Lima ay isinangkot mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa Kamara, sinabihan naman ni Nueva Ecija Rep. Magnolia Antonino si De Lima na itigil na ang mga drama at sagutin na lamang isa-isa ang naglabasang alegasyon laban sa kanya.

Sinabi ni Antonino na bilang dating kalihim ng Department of Justice ay pamilyar na kay De Lima ang ganitong mga imbestigasyon ng Kamara.May ilang beses na rin umano itong nagsilbing resource person kaya batid ng senadora na naghihintay ng sagot ang publiko sa mga lumabas na mga akusasyon.

Iginiit pa ng kongresista na hindi malilinis ng senadora ang kanyang pangalan kung puro pagtanggi at pagpapaawa lang ang gagawin nito. Dapat aniya pa ay humarap din ito sa pagdinig at isa-isang sagutin ang mga ibinabato sa kanya.

Una nang nanindigan si De Lima na hindi dadalo sa imbitasyon ng Kamara na maging resource person sa isinasagawa nitong imbestigasyon na una na nyang tinawag na sham investigation at kangaroo court.

Kung si Cavite Rep. Strike Revilla naman ang tatanungin ay hindi political persecution ang nangyayari kay De Lima sa halip ay nakarma na ito.

Ayon pa sa kongresista nagsilbing eye-opener at makatutulong nang malaki sa pagbalangkas ng mga bagong batas ang nagaganap na imbestigasyon sa Kamara hinggil sa paglaganap ng illegal drugs sa loob ng New Bilibid Prisons.

“Nalantad na kung gaano kalala ang problema sa droga at gaano kabulok ang sistema sa NBP na ngayon ay dapat nang aksyunan ng mga mambabatas,” ani Revilla.

3 Responses

  1. ang katapusan ng kwento ng buhay mo D5 ay sa kulungan…similar lang yan sa ginawa nyo kay bong, jinggoy at sc corona.. Saan bs nagtapos ang kanilang istorya..di ba presidente ang may gusto nyan

  2. TULOY LANG ANG LABAN MADAM DELIMA….MALAPIT NG ATAKIHIN C TANDA SA KABABANAT NYA KUNG KANI KANINO….DAPAT ANG ATUPAGIN NG DUGONG NA YAN PANU MAG KA TRABAHO ANG MGA WALANG HANAP BUHAY.