NANG makausap namin si Paulo Avelino sa presscon ng The Unmarried Wife ay hindi namin alam na naaksidente siya kamakailan dahil sa pagmo-motor niya.
Ipinost niya lang sa Instagram a few days ago ang picture niya na nakahiga siya sa hospital bed at may suot pa rin siyang helmet.
“Some people say I’m stupid and stubborn for getting back on a motorbike. I’d like to say we were just born warriors,” caption dito ni Pau.
Sa isa pang post niya na nagmo-motor na siya ulit, ang sabi niya ay, “After a month of struggling to walk, trying not to limp on screen and several PT sessions… I’m back! With a genuine smile on my face.”
Meron pang isang IG post si Pau na tila mensahe niya sa mga nagkokomento ng kung anu-ano tungkol sa rumored relationship nila ng non-showbiz girl na si Natasha Villaroman.
“I JUST DON’T GIVE A FUCK!” ang sabi ng matapang na quote ni Paulo.
***
Lalaking nainlab sa isang married woman ang role ni Paulo sa pelikulang The Unmarried Wife.
Sa totoong buhay ba ay posible siyang mainlab sa isang babaeng may asawa na?
“Ako, para sa akin po, parang automatic ‘pag may karelasyon o may asawa ‘yung babaeng kaharap mo, parang may limitasyon ka na. Alam mo na kung hanggang saan, na hindi mo puwedeng pormahan.
“Pero if ever mangyaring mainlab man ako sa babaeng may relasyon, baka itago ko na lang po sa sarili ko.
“Hintayin ko na lang ‘yung right time. Malay mo, maghiwalay? Aatake ka na lang ‘pag hiwalay na. Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko na ipapaalam. Kasi siyempre, ayaw mong makagulo ng relasyon,” sey ng Kapamilya hunk.
Nakikita ba ni Pau ang sarili niya na magiging married siya someday?
“Well, hoping, yeah. Hoping to get married someday. Pero tingnan natin, tingnan natin.
“Kumbaga, kino-consider ko pa naman ang sarili kong bata at marami pa akong gustong gawin at gustong magawa bago ako mag-settle down,” sambit ni Pau.