MAY mga nagsasabing hindi na-maintain ang malakas na performance sa box-office ng pelikulang Imagine You and Me.
Hindi na kasi naglabas ng bagong figures ang APT Entertainment, pero tinitiyak sa amin ng mga taga-GMA Films na na-maintain na malakas sa takilya.
Expected na ang pagbaba nito nang sumunod na araw, pero pagdating ng weekend ay umariba na naman.
Masaya ang GMA 7 lalo na ang GMA Films dahil sa lakas ng pelikula nina Alden at Maine.
Kamakalawa ay ipinadala sa amin ni Atty. Annette Gozon ang statement ng GMA Films sa boxoffice success ng Imagine You and Me:
“We are so overwhelmed by the support and love for Alden and Maine that have been shown through the overpouring support for Imagine You and Me.
“The support the movie has been getting has surpassed our expectations and for that we are truly grateful.
“The positive word of mouth that has been generated for the movie has been phenomenal too.
“Iba ang AlDub. That’s all I can say. Thank you.”
Ang kilig na hatid ng movie ay sagad sa bone marrow at abot sa tumbong!
***
Mamayang gabi na ang awarding ng unang ToFarm Film Festival sa Makati Shangri-La.
Hindi ganu’n kainit ang response ng mga tao sa naturang filmfest. Hindi na kami nagulat dahil ganu’n ang nangyayari sa ilang indie film festival.
Pero patuloy pa rin ang pagkakaroon ng ganu’ng filmfest hanggang sa makasanayan na lang ng mga tao na makapanood ng mga maaayos na low-budgeted at lesser stars na pelikula.
Para sa mga magsasaka itong ToFarm, kaya may tema tungkol sa pagsasaka ang mga pelikulang isinali.
Na-appreciate namin ang Paglipat ni direk Zig Dulay.
Ang sabi ng ibang nakapanood, mas maganda ang Pitong Kabang Palay ni Direk Maricel Cariaga na isa talagang magsasaka.
Napataas ang kilay namin sa ilang pelikulang napanood namin dahil parang hindi naiaangat ng pelikulang ito ang pagsasaka. Kung mapanood ito ng mga magsasaka, baka maguluhan pa sila.
kung solo si alden sa movie tiyak na flopsina
Hater ka ba maka comment ka wagas
eh talaga naman eh, doon lang tayo sa totoo
KUNG AYAW NYO SA ALDUB, WAG NYONG BIGYAN NG SAKIT NG ULO ANG SARILI NYO, WAG NYONG PANOODIN ANG LAHAT NG PALABAS NILA, HINDI KAYO KAWALAN
May punto ka, kasi matagal na si Alden sa Eat Bulaga pero hindi sya ganyang kasikat at marami na rin naka partner sa pelikula at teleserye pero hindi pa rin sumikat na tulad ngayon, kaya madalas ay napapaiyak sya at hindi maka-paniwala sa suwerteng dumating sa kanya ng dumating si Maine. Nung panahon na hindi pa sikat si Alden, talagang pagdating sa financial ay hirap siya at sabi nga ni Joey ay hulog ng langit si Maine dahil nang magpa interview sa Eat Bulaga at tinanong kung marunong kang sumayaw, kumanta at umarte, ang sagot ni Maine , HINDI. Pero Goodluck sa inyo at magtagal pa sana ang tambalan ninyo dahil madalig araw, gabi gabi at bago pumasok sa work ay pinanood kayo ni Mrs.???
matagal na si alden sa gma pero hindi sa eat bulaga dahil 2015 lang siya nakasama doon
Pareho na rin yun ???gma at EB AT TAPE PRODUCTION, PARE PAREHO HALOS ANG MGA STOCKHOLDER
Alden is very transparent at humble enough to admit na malaki ang nagawa ni Maine sa career nia. Swerte talaga ang cute reaction ni Maine nang nakita nia si Alden sa split screen na naging simula ng pagkakilig at pagtanggap ng mga tao sa kanila. And I think hanggang ngaun, ung humility nakikita mo pa rin kina Alden at Maine kaya mahal sila ng mga tao magmula bata hanggang matanda.