‘Immediate’ repatriation

Noong Martes ay tinalakay natin ang programa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nag­lalayong magbigay ng ­financial a­ssistance sa may 11,000 stranded ­OFWs sa Saudi Arabia.

Ang assistance broken down as follows — P20,000 na ibibigay sa bawat OFW at P6,000 sa pamilya sa Pilipinas ng bawat OFW.

Pinansin natin ang p­agiging masigasig nga­yo­n ng OWWA sa ilalim ng bagong administration na tinagurian nating “Welcome Change” sa ating August 2 issue.

Bukas ang tenga

Ang pagiging bukas ng tenga ng pamahalaan sa mga problema ng OFWs ay kabaligtaran ng naranasan nila sa anim na taon sa ilalim ng Aquino administration.

Kung hindi­ pa ­kasi nag-alburoto ang OFWs sa issue ng laglag-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at pagpapataw ng tax sa balikbayan boxes ay hindi pa inaksyunan ang kanilang hinaing.

Kung inyong natatandaan, itinaas ng Senado at Kamara ng 100 percent ang legal budget ­para sa overseas Filipinos pero ang bill ay ibinasura lang ni PNoy.

Direct channel?

Pero sa kasalukuyang liderato in the sense na parang may direct channel ang mga OFW sa Malacañang o, at the very least, ay agad naririni­g ang kanilang concerns.

Mas tataba siguro ang puso ng mga stranded OFWs sa Saudi Arabia in particular at OFWs sa lahat ng panig ng mundo in general sa development nitong Lunes lang.

Sa regular cabinet meeting kasi ay agad na ­ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang repatriation o pagbabalik sa Pilipinas ng stranded OFWs sa Saudi. Immediate assistance daw ang utos ng Pangulo kabilang ang pag-­charter ng flights exclusive para sa repatriation ng mga kababayan natin.

Fast-track

In line sa utos ng Pangulo, kailangang i-fast track ng ating consular officials sa Saudi ang pagkuha ng exit documents para sa stranded­ OFWs doon.

So, sabay-sabay na ang processing niyan: repatriation at pagbibigay ng financial assistance. Iba talaga kapag galing sa itaa­s ang utos. Ang lahat ay kumikilos para masunod.

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And chime in with your opinions or comments. Email them at usapang_ofw@yahoo.com o tumawag sa 551-5163.