Galit na binantaan kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na iuutos niya sa Executive Department na huwag sundin ang kautusan ng Korte Suprema at maaari niyang ideklara ang Martial Law kung magkakaroon ng constitutional crisis.

Inihayag ito ni Duterte sa harap na rin ng naging kautusan ng Punong Mahistrado na huwag susuko ang mga hukom na pinangalanan ng Pangulo sa narco-list nito hanggang sa walang warrant of arrest.

Sa pagharap ni Pa­ngulong Duterte sa mga sundalo sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City, kinuwestiyon nito ang kautusan ni Sereno at sinabing bilang isang abogado alam naman ng Punong Mahistrado na matagal makakuha ng warrant of arrest.

Aniya, hindi niya ipi­naaaresto ang mga hukom bagkus ay pinagre-report niya ito sa Punong Mahistrado gaya ng pagpapa-report din niya sa mga pulis na pinangalanang sangkot sa droga kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa at ang mga mayor sa Department of Interior and Local Go­vernment (DILG).

“I never accuse anybody except to read their names. It was not an accusatorial utterance it is in consonance to my duty as President of the Phi­lippines. You know Chief Justice there is a slaughter going on, mind you, you are appointed by the government there in your office as Chief of Justice at a time na wala ginagawa ang government why wait for warrant of arrest there are 600,000 addict, magbigay ka ng warrant Madam Chief Justice, you must be joking,” pahayag ni Duterte.

Pinuntirya din nito ang mabagal na sistema sa SC na inaabot umano ng ilang taon bago pa makapagresolba ng isang criminal case.

Nanindigan si Pangulong Duterte na hindi ito susunod sa SC.

“Mam ‘wag tayo magbolahan and don’t force the issue, I respect your comment but it is how do I call it, a rigmarole to me alam ko alam mo eh. You order me I will not follow you.

Please do not create a constitutio­nal issue, there will be pero ‘wag ninyo ako pasunurin.

There is slaughter everyday and you are just interested in warrant of arrest? Is that all?

Maghintay sa warrant of arrest in the meantime crime is rampaging?” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na minana lamang niya ang problema sa droga sa naka­lipas na administrasyon na walang nagawa. Nga­yon umano ay mandato niya sa may anim na milyong Filipino na bumoto sa kanya na tuparin ang panga­ko na wawakasan ang korap­syon at problema sa droga kaya naman huwag umano siyang pigi­an.

“Six years dumaan wala ginawa ako two months lang. Ikaw warni­ngan ko don’t create crisis because I will order everybody in Executive Department not to honor you, gusto mo prangka­han,” hamon pa ni Duterte.

Sa kasalukuyang sitwasyon umano sa iligal na droga sa bansa, kailangan na agad tutukan ito kaya naman umaasa siya ng suporta.

“If this continue­s, pigilin mo ako sige pag nagwala would you rathe­r I declare Martial Law?

Pinapatay ang Filipino, I grieve for so many women, raped infants, tapos ipitin mo ako,” ayon sa Pangulo.

“Pag dumating panahon we go to crossroads you decide ako ‘di ako sunod diyan and please, please, please, please do not create a confrontation, a constitutional war talo tayo lahat,” pagtatapos pa ng Pangulo.

LOYAL SA KONSTITUSYON 

Iginiit din ni Pangulong Duterte na alam niya ang kanyang sinum­paan at hindi na dapat magresulta pa sa conflict ang kanyang kampanya laban sa droga.

“I have my oath I will honor the Constitution, I will defend the Constitution, do not create a conflict there,” ani Duterte na ipinaalala rin sa mga sundalo na dapat manatili din ang kanilang katapatan sa Saligang Batas.

22 Responses

  1. di yata nagiisip itong si sereno, lumabas ka ng korte, tumingin ka sa paligid mo kung gaano karami na ang pinapatay at nasisirang buhay ng dahil sa droga, 2 of my son was a victim of holdup pareho silang estudyante sa manila, parehong nagka trauma. tama lang ang ginagawa ni P. Digong na “linisin” na ng tuluyan ang lahat ng sangkot sa droga. pulis, pulitiko, artista, mayaman o mahirap na sangkot sa droga ay dapat ng “mawala”. We support you PANGULONG DIGONG

  2. wala namang ginawang maganda yan sayang lang binabayad natin tax kinakain lang nga mga buwayang masiba…malamang kasama yan sa 3rd list ni pres digong putak ng putak parehas ni de5. ayan tamimi at supalpal ka ngayon sa pag bwelta ni pres digong …huhuhu poor ang hilig mo kasing umepal!

  3. PU……NA KA SERENO KUNG ADIK KA AT PUSHER KA WAG MONG IDAMAY LAHAT NG PILIPINO NA MATITINO….UMAYOS KA DAHIL DUN KAMI SA TAONG MAGPAPATAHIMIK SA BANSA NAMIN…KUNG AYAW MO UMALIS KA SA BANSA NAMIN DUN KA SA CHINA TUMIRA….PAKIUSAP KUPALHAR!!!

  4. People should be happy and support the Philippine President who is trying to solve the major problem in the country sa drug. Marami ng nasisira ng drug heto ang mga pain in the ass media misleading the people. They try to paint kung ano ano predicament and bilogin ang ulo and taong bayan trying to get the support of anybody, pari obispo madre and now their friends in the senate united nation and now the chief justice. You guys are trouble makers and you desreve to be arrested and put in jail. Ganyan din ang ginagawa nila on time of Marcos kaya President Marcos was force to declare martial law.

  5. kasi yong mga narco-politician marami sa kanila mga dilawan na nakinabang sa pera galing sa droga! patayin ang mga salot na adik at pusher! buwisit yang mga adik may experience ako dyan! hindi health issue lang ang droga sinisira ang utak ng kemikal na sinisinghot ng adik sa shabu…nagiging demonyo ang mga gumagamit nito may sira na ang tutak!!! katayin yan!!! walang gamot dyan kahit rehab!! sila din yong mga nagaakayat bahay at nanghohold up para pambli ng buwisit na shabu na yan!!!

  6. noon sa panahon mo Lourdes pag Chinese ang nahuli .. nawawala mababalitaan naka takas na at nasa China o Taiwan ,, sino ang nilitis mo Lourdes .. wala .. kaya si Dut30.. minana lang sa inyo ang problema sa Droga.. Lourdes sayang ang tax ng Pilipino at inuupuan mo,,SAF 44 napatay ,, ano ginawa mo? bilang pinuno ng CJ?

  7. Bakit mga user ang pinapatay. Dapat yung mga drug lords at pusher. Biktima lamang ang user at dapat rehabilitasyon. Kaya lang naman nila yung mahihirap. May nakita ka bang Chinese foreigners na napatay. Pag nangyari yan sigurado gyera ang ang hanap ng Pinas.

    1. Natutulog ka siguro sa mga balita, sa Valenzuela City 2 weeks lang Chinese drug lord nadale. Ke mahirap o mayaman ang bala walang pinipili, ginusto nilang maging addict at salot sa lipunan. Hindi mo ba pansin giyera na ito sa droga.

    2. Koya may internet na po. Magbasa ka nmn hindi yung comment ka lang ng comment. Marami ng nabangga si Duterte na malalaking isda pati Chinese pusher tigok na.

  8. Ang mga dilawan nga talaga, wala na nga kayong ginawa sa paglipana ng ilegal na droga noong panahon nyo, may gana pa kayong kumontra ngayon, dahil sa ginagawa nyong pagkontra sa Presidente, nagkakaroon tuloy ng pag aalinlangan na protektor kayo ng nga drug lords.

  9. It’s funny! Sereno is trying to portray herself as someone who is credible, but I tell you madam, you are a worthless cj and you don’t even deserve to be there. Hayan ang sagot sa iyo ni Digong sa pag eepal mo. Pahiya ka ano?