Naniniwala si Senator Leila de Lima na may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatalsik sa kanya bilang chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.
“Wala po akong duda na may kinalaman diyan ang ating Pangulo,” pahayag ng Senadora nang kapanayamin kagabi sa 24 Oras ng GMA 7 matapos na magbotohan ang mga miyembro ng Senado para bakantehin ang komiteng hawak nito at patalsikin ito ito bilang chairman sa botong 16-4-2.
“Imposible po walang kinalaman dito ang ating Pangulo. Bagamat medyo tahimik ang ating Pangulo, napapansin niyo na wala siyang reaksyon pero alam ko na may hakbang silang ginagawa at gagawin para tuluyan akong ipitin,” dagdag pa ni De Lima.
Sinabi pa ni De Lina na pinag-usapan ng kanyang mga kasamahan ang pagpapatalsik sa kanya.
“Pinag-usapan na nila ito. Plinano na nila ito. It was a done deal,” pahayag pa ni De Lima sa isang panayam kagabi.