mike-velarde-cast-miraclesNAGPASABI na noong una ang mga taong nasa likod ng Miracles are Forever ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai na may pa-presscon na sila para sa nasabing pelikula na ang istorya ay hango sa “miracles” na naranasan ng ilang members ng nasabing Catholic religious group.

Dapat ay mamaya ang presscon nila, pero hindi na muna ‘yon matutuloy.

Pero ang premiere night daw ng Miracles are Forever, tuloy na tuloy mamaya sa El Shaddai sa Parañaque City.

A-attend doon ang napakaraming stars ng tri­logy movie ng mag-­asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa.

Inaasahang dadalo mamaya sa premiere night ng Miracles are Forever na kasabay ng anniversary celebration ng El Shaddai sina Ri­chard Gutierrez, John Arcilla, Lorna Tolentino at Christopher de Leon.

Isa sa istorya ng trilogy movie na ito ay tungkol sa Mamasapano.

Ayon sa assistant ni Tita Donna na si Tita Nene, based ang episode na pinagbibidahan nina Richard at John sa is­torya ng dalawang Mamasapano surivivors na miyembro ng El Shaddai na nagbigay ng kanilang testimonya kay Bro. Mike.

Dahil trilogy ang Mi­racles are Fore­ver, aminado si Tita Donna na malaki ang budget ng kanilang pelikula.

Hindi basta-basta ang ginastos nila roon dahil gusto nilang mapaganda ang Miracles are Forever.

Hindi rin daw papayag si Bro. Mike na basta-bastang pelikula lang ‘yon na based sa istorya ng ilang mga miyembro ng El Shaddai na nakaranas ng “miracles”!

Singer na mukhang matanda, tinulungan lang ng abogado

Kilala sa showbiz ang legal defender na ito dahil maraming mga celebrity na lumalapit at humihingi ng tulong sa kanya.

Marami sa mga celebrity na naging malapit sa kanya ang hindi lang legal advices ang naibigay ni atorni kundi sumuporta rin siya sa ca­reer ng mga ito.

Sa sobrang generous ng nasabing abogado, pati CDs ng ibang mga celebrity na malalapit sa kanya ay binibili niya para makatulong sa mga ito.

Hindi rin ikinakaila ni legal defen­der na may ibang mga celebrity na naging sobrang lapit sa kanya to the point na na-link siya sa mga ito.

Pero dahil pamilyado siyang tao, hindi ibinubu­yangyang ni legal defender sa publiko kung hanggang saan ba humantong ang relasyon niya sa mga celebrity na inili-link sa kanya.

Kadalasan, nakikilala ni legal defender ang mga celebrity dahil na rin sa ibang mga kaibigan niya na inilalapit ang mga ito para matulungan niya.

May isang singer na tinulungan lately si legal defender. Ipinakilala pa niya ang singer sa mga kaibigan niya sa entertainment press para magkaroon ng publicity.

Nagulat na lang ang entertainment press na malalapit kay legal defen­der dahil bigla na lang naputol ang pagtulong niya sa singer.

Nagkaroon pala ng issue.

May ibang mga gumawa ng istorya nang malaman na ipinainterbyu ni legal defender sa entertainment press ang singer.

Kaagad na nag-conclude ang iba na baka gagawing girlfriend lang ni legal defender si si­nger, kaya winarningan ng mga intrigero’t intrigera ang nanay ni singer.

Nag-react ang nanay at pinagbawalan na si legal defender na tulungan ang kanyang anak.
Walang problema ‘yon kay legal defender.

Nang usisain ng ibang mga kakilala, sinabi ni legal defender na hindi niya type si singer dahil mukhang matanda ito katulad ng mga paborito nitong kantahin!

Sa dami ng magagandang na-link kay legal defender, hindi niya kailangan ang nasabing singer.

Wala siyang balak dyowahin ito at pagtulong lang ang gusto niya!