Pinaniniwalaang nagbigti ang isang 27-anyos na lalaking may diperensiya umano sa pag-iisip matapos mawala ng apat na araw mula nang umalis sa kanilang bahay sa Balayan, Batangas.

Sa ulat ng Balayan Municipal Police Station, mag-aalas singko ng hapon kamakalawa ng madiskubre ang bangkay ni Jeffrey De Leon y Bahia ng Barangay 9 sa nabanggit na bayan, habang nakadapa at naka­kabit pa sa leeg nito ang naputol na tali ng straw.

Nakatali naman sa nabuwal na punong mangga ang kaputol na plastic straw na ginamit ng biktima,

Napag-alaman din mula kay Edwin De Leon na dati na umanong may suicidal history ang kanyang kapatid ngunit ngayon lamang natulu­yan sa pagpapakamatay.