Muling naglabas ng hinanakit ang Pangulong Rodrigo Duterte laban sa gobyerno ng Amerika gayundin sa European Union (EU).

Partikular na pinuntirya kahapon ng Pangulo si US President Barack Obama, ang US State Department, gayundin ang EU.

Ayon kay Duterte, sa halip na tumulong ang mga Kano at ang EU, nauna pang nambatikos ang mga ito sa mga nangyayaring extrajudicial killings kaugnay ng inilunsad niyang giyera kontra sa iligal na droga.

“Instead of helping us ang unang tumira itong State Department, so you can go to hell. Mr. Obama you can go to hell. EU better choose purgatory… puno na sa impiyerno. Bakit ako matakot sa inyo?” hirit ng Pangulo sa Sulong Pili­pinas Local Governance Series na ginanap sa Mayuree Grand Ballroom, Dusit Thani, Makati City kahapon ng hapon kung saan humarap ang Pangulong Digong sa mga local officials mula sa Luzon para sa LGU consultations sa peace and order.

“Pati tuloy ‘yung na­dala because kasi ang sabi nila itong si Duterte, Hitler ‘yan maraming pinatay. ‘Di ako rin…. and the way that I behave for the life of me mas mabuti pa magluhod ako sa mga… the king of Brunei o Thailand. ‘Wag mo akong paluhurin sa Amerika never… ayoko talaga… basta ako nakapusta dyan my job, my life, the presidency… e kung hanggang tatlong taon lang ako so be it. Eh destiny yan e nandyan na yan…,” dagdag nito.

Sa naturang talumpati, binanggit din ni Pa­ngulong Duterte na pinag-aaralan niya ang foreign policy. “I am configu­ring my foreign policy… Eventually, I will break up with America and I’d ­rather go to China and Russia,” pahayag pa nito.

Samantala, aminado si Pangulong Duterte na pang-mayor lang ang asal at asta niya pero hindi naman niya ibinababa nang husto ang kanyang sarili.

“Ako sa totoo lang nagkamali lang ang Pa­nginoong Diyos e. Sa totoo lang, ang ugali ko talaga pang-mayor lang, pang-mayor lang, ‘yung puma­lakpak kasi hindi naman sila maging presidente rin talaga…ganun talaga. This is not a self-derogation I don’t want to demean myself. Pero ang ugali ko talaga pang-mayor lang and I’m not ready for the big league,” ani Duterte.

“Sabi ko nga sila si… kasi ‘itong bata nyo si (dating DILG Secretary Mar) Roxas Wharton sige. Pagtingin ko Watson lang pala. Galit pa sa akin. Ganun ang atake ko pero ­ayaw ko naman maki­pag-away. I told him sa debate takot ka lang mamatay kasi mayaman ka pero totoo naman…,” pahayag ni Pangulong Duterte.

“There are times when you talk too much and for too long… Ito lang ang masabi ko kaya ako galit nevermind my mouth. Pare-pareho naman tayo and you will aspire to be a statesman… My countrymen I’m… hoy mga p—ina nyo, maski doon sa Congress sa oath taking. Wala naman kayang sumuporta maski ni isa sa akin dito. Eh kanya-kanyang panahon. Maybe I have yet to show the best of my being. Hanggang ngayon wala pa.

Ewan ko baka hindi magdating, sorry na lang. At least,… dumaan ako ng mayor,” dagdag ni Duterte.

37 Responses

  1. Hindi Marunong Mang Insulto at mag mura ng Tao si US President Obama,. ako marunong kaya ibabawi ko na lang siya to the President of Philippine Republic Mr: Duterte “FUCK YOU111YOU MOTHER FUCKER!!!..

  2. Ingat ka Digong. Do not wake up the sleeping giant. Para ka lang langgam na titirisin. Remember what happened to Pres. Manuel Norriega of Panama who was abducted by Navy seals and taken to US to face his cases. Just a friendly reminder.

  3. Ang ingay , daming dakdak….kung gusto mo talagang kumalas sa US gawin mo na agad ..daming pasakalye ang ingay mo DU30..putak ka ng putak…aksyon lagi

    1. yan ang problema sa inyong mga Duteratrds..ngayon depensa nyo na naman kayo na mag presidente…sino ba ang tumakbo at nangako ng nangako nung kampanya…di ba si Digong..kaya nga siya nanalo dahil ang tingin sa kanya ng 16M messiah

      1. so ano sa palagay mo ano ang tawag sayo, santo. kahit sabihin na natin masama ang bunganga ni du30, hindi naman matawaran ang ginagawa sa bansa pag dating sa pag babago. sa palagay mo kung hindi si du30 ang nanalo saan na tayo, bakja mas kahiyahiya tayo pag dating sa kaliwat kanan na patayan related sa kagagawan ng addict…. tngnan mo ang 100day ni duterte vs sa nakaraang admin 100days.

    1. masbaliw ka mag isip… you know why, kung yung kapitbahay mo kunyari nag sasabi at tsismis na bading ka, ano gagawin mo… isipin mo. ops baliw lang ang magagalit hahahahaha.

    1. Inaaway niya US at EU para nga naman gumawa ng paraan ang US at EU na mapatalsik siya..nahihiya lang magsabi tong si DU30 na hndi niya kaya trabaho ng presidente

      1. asus..adik na naman ang napag tuunan mo ng pansin..unang una hidi droga proboema ng pilipinas…ekonomiya, kahirapan at kawalan ng trabaho..nataon lang na droga lang ang kayang solusyonan ni duterte kaya dyan kayo naka tutok

      2. hello di na ako maka du30 kaka t.o. sya no…mark anthony fernandez,mag amang pinda ng visaya masasabi mo bang mga walang trabaho yang mga yan?maramo ring mayayamang mga addict kaya nga anjan ang ectasy party noh!

  4. Can I have 1 request Mr. Du30? Shut the hell up would you PLEASE!!! Ever wonder why your political opponents are not saying anything about your late comments? They didn’t need to – just watching you digging your own grave and gracefully destroying yourself in public and to the whole wide world are enough for them not to say a word. I’m not an intelligent person but if I can figure this out you should too. Nire-represent mo kami “ang masa” at ang ating bansa – so please huwag mo kaming ipahiya sa buong mundo!!!

  5. kung inaamin mong pang Mayor ka lang, then resign from the Presidency before you bring the whole nation down the gutter. If you want to break ties with the US, just do it instead of yapping in front of the media. Hindi ka naman binabatikos ng US, CHR at EU. Ang sinasabi nila, follow due process. Ang asta mo kasi parang ikaw ay diktador sa isang bansang demokrasya. Kung gusto mong makipag alyado sa Russia at China, then gawin mo na lang imbes na mag nga ngawa ka ng mag nga ngawa.

    1. Good point ‘Dre. He needs to keep his mouth shut. His style of leadership “sucks” – he thinks the US will be on their bended knees begging after making all of his threats i.e. stopping the military exercises, kicking all Americans out of the Philippines, kicking out investors and lately the “Hitler” reference. He’s out of his freaking mind thinking it will be easy for him to switch loyalty from USA to China and Russia. I don’t think our Congress and Senate will let him do that. How in the hell he will survive his presidency for the next 5 1/2 years by going up against a powerful country like the US? The US can set him up to fail and be gone so easily in another way if you know my drift!!!

    2. Tama…..Ang Davao lang e alyado sa Russia at China kung gusto nya.hindi edamay ang ayaw…akala nya siya ang Presidente ay susunod na lang tayo…no way jose..

  6. sana maempeche para mawala sa malacanang palace kasi kailan ba siya matoto magsalita sana magsasama ang mga kongres sa mababa at mataas na kapulungan upang patalsikin kasi nakakahiya ang mga pahayag niya tama ang ginagawa pero ang bibig niya ay masyadong maengay sa mga bagay na walang kabuluhan

  7. Hay naku..wala na talagang lunas ang sakit nito presidente na ito..wala man lang etiquette,sa kapwa nya Presidente ng ibang bansa minumura nya,pag siya naman ang kinikriticize nagagalit..panahaon na para matigil itong kabastusan niya..ano ba ginagawa ng mga nasa Gobyerno wala ng credibility ang Government natin…

    1. Di na kaya ng gen cleaning yan….dapat dalhin kay vicky belo para pagpalitin ang puwet at bunganga baka sakali medyo tumahimik…kasi parang utot na lng lalabas sa bunganga nya…..hehehe