Sa gitna ng mga banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng First Family, nagpahayag ng pagkabahala ang Presidente pero nanindigan ito na kaya nilang idepensa ang kanilang mga sarili.
“He must be worried (Davao City Vice Mayor Paolo Duterte) because he has so many children. Ah nakakatakot lang din… Ako, si (Davao City Mayor) Inday pati sila kaya nila ‘yan and Sebastian, medyo malikot ‘to, pasyal nang pasyal but otherwise we can defend ourselves.
Ako I can walk where I want to go, and ah sinasanay ko ‘yung sarili ko,” pagbibigay-diin ng Pangulo sa press briefing kahapon kasunod ng pagpapasinaya sa Davao International Container Terminal (DICT) sa Davao del Norte.
Patungkol naman sa bunsong anak na si Kitty ay tiniyak ng Pangulo na may nagbabantay rin dito.
“…That one thing she (Kitty) has, I think, a security also but siya lang… ako hindi nga ako use to be talking to sa Presidential security command. Because they are always around me whether I like it or not.
I have been driving them away since day one but they just don’t believe me so there’s nothing I can do. Alam mo naman ako malapit sa tao I embrace them tsika-tsika it has always been my norm as a politician. Apparently, when you are a President everything changes.
You cannot have your cake and eat it too ika nga,” ayon pa kay Pangulong Duterte.
Sa kabila ng mga death threats at nabunyag na assassination plot, walang plano ang Pangulo na bawasan ang kanyang mga schedule sa labas ng Malacañang.
“No. I will not ayoko nang magyabang pero absolutely no. I live the way I want it. I work the way I must,” sabi pa ng Pangulo.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na hindi nila hahayaang makalusot ang mga assassins at nagbabanta sa buhay ng Pangulo.
“Massive ang campaign. So itong mga assassination plots na ito, although araw-araw naman nakakatanggap ang ating Pangulo ng assassination threat at ito naman ay minamatyagan ng ating Presidential Security Group (PSG) and of course, malaki din ang tulong ng taumbayan… kung tayo ay magsilbing mga neighborhood watch.
Kumbaga, tulungan din natin iyong ating mga kapulisan, dahil alam naman natin na kulang pa rin ng numero ang ating mga pulis kung ikukumpara natin ang dami ng ating populasyon, 104 milyon,” apela ni Andanar sa publiko.
Binanggit pa ni Andanar na sa gitna ng mga banta ay tuloy pa rin ang aktibidad at pagtatrabaho ni Pangulong Digong.
“This is part of the territory, itong mga nangyayari sa ating Pangulo ‘no, itong mga death threats na ito. Hindi naman natin ito babalewalain lang. We will also take extra ordinary steps para mas lalong masiguro ang seguridad ng ating Pangulo,” dagdag nito.
Nagtatapang tapangan lang pala, pero matatakutin din.
eh ikaw, pinag-jajakulan mo lang naman nanay mo kung magsalita ka wagas ang tapang – tapang magjakol
Matapang yan, tsong. Nag-iingat lang. Hindi nakukuha sa tapang ang makidigma sa mga taong halang ang kaluluwa. Baka type mong mag volunteer sa Patikul. Sobrang tapang tapang mo.
Tandaan mo: Ang tumakbo ng matulin, pag matinilk malalim. Kaya dahan dahan sa pananalita. At konting respeto. Kawawa naman ang mga magulang mo na pinagsasalitaan mo ng ganyan.
Ikaw ang boss ng presidential security command ginoong pangulo kaya kung talagang ayaw mo ng security at ayaw mong makasaup sila, wala naman silang magagawa kapag sinabihan mo silang huwag kang samahan. Imposible namang sila ang masusunod at hindi ikaw na amo nila. Mahal ka na mga tao kaya walang mangangahas na gawan ka ng masama. Hindi mo na kailangan ang seguridad ng Presidential security group.
“Evil Prevails when good men do nothing”
“In the absence of good there is evil”