Umabot na sa 26,479 katao na sangkot sa illegal drug activities sa Central Luzon ang boluntaryong sumuko bunga ng pinaigting na “Oplan Tokhang” at pagpapatuloy ng PNP Anti-Illegal Drugs Campaign “Double Barrel.”

Ayon kay P/Chief Supt. Aaron Aquino, PRO3 Acting Regional Director, mula Hulyo 1 hanggang kahapon ay umabot na sa 596 katao ,60 ang napatay sa encounter at 726 pakete ng shabu na tumitimbang ng 701 gramo ang nakumpiska ng PNP.

“We continue to intensify the conduct of opera­tions against illegal drugs personalities and drug syndicates in line with the PNP NHQ’s directives and we will have no let-up in eradicating illegal drugs in the region”, ayon pa kay P/Chief Supt. Aquino.