HINDI ko pinanood ang State of the Nation Address. Hina­yaan ko na lang na ang mga ekonomista at political analysts ang mag-react tungkol dito.

At the end of the SONA, ang importante eh maging totoo ang mga pagbabagong isinusulong ni Presidente Digong.

Ang mas mainam at dapat, ang mga pagbabago ay hindi lamang ang maya­yaman at middle class ang makakaramdam. Sa economically challenged.

Sana rin, ­matigil na ang pagbabandera sa mga pahayagan at sa telebisyon kung ano ang mga naging outfit of the day of this and that congressman or congresswoman or senador at kahit sino pang person of power and interest.

Hindi po ang ­barong Tagalog o modern day terno or simpleng Fili­piniana dress ang dapat bigyang pansin sa SONA.

Ang dapat unawain ay ang mga plano ni President Digong, ang kanyang wish list for great governance at ano ba ang mga konkretong hakbang para maging totoo ang mga pangarap niyang  bituin.

Walang bearing sa ekonomiya, kapayapaan, inflation, gross national product at halaga ng piso sa merkado ang mga pagpuna sa camera angles at shots ni direk Brillante Mendoza.

May paandar si Communications Secretary Martin Andanar na ang speech ni President Digong ay tear-inducing.

Kung meron man tumulo ang luha dahil sa kanyang talumpati, ang dasal ko ay tumulong tayo sa gobyerno para mas maging maayos, masagana at mapayapa ang Pilipinas nating mahal.

Huwag gawing pabalat-bunga ang pagbabago. Dapat unti-unti, dahan-dahan at consistent.

***

Kesa sa SONA, ang pinanood ko, ang pelikulang Paglipay ni Direk Zig Dulay.

Type ko siya. Simple, straightforward at realis­tic. May mga eksenang parang pang-Star Cine­ma romantic ­comedy movie, lalo na ‘yung ­lasing-lasingan while karaokeing ang mahusay na si Anna Luna.

Luna was such a pleasant delight sa pelikula. May pakiwari ako na kung naging babae sa direk Zig, siya talaga si Anna, from  pagta­tali sa hair, profile, choice of outfits.

Nauunawaan ko na kaya pala tuliro at hibang na hibang ang kanyang karakter, ang ka one-way street romance niya pala kunyari ay si JC Santos.

Magaling ang dalawang Aeta non-actors na sina  Garry Cabalic at Joan dela Cruz.
The camera loves Garry, guapo ang kanyang rehistro at natural na natural.

Si Joan, best moment niya ‘yung nag-usap sila ni Garry na buti pa siya may choice, at ‘yung pag­papatawad at acceptance niyang muli dito as they munch the kasoy fruit.

Alam mo tala­gang sila ang made for each other at meant to be.

Ang Paglipay ay isang mainam na pelikulang nagpakita sa kultura ng mga katutubong Aeta.

Walang judgement ang pelikula sa kanila, presented ang buhay nila in such a way na maa-appreciate mo ang way of life nila.