“Palalabasin nilang immoral akong babae dahil nahihirapan silang patunayan sangkot ako sa droga.”

Ito pa rin ang naging litanya kahapon ni Senadora Leile de Lima kasabay ng pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara kaugnay sa sinasabing illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Aniya pa, pinalalabas ngayon na immoral siyang babae dahil walang maipakitang sapat na basehan para patunayan ang alegasyon na sangkot siya sa droga.

“Since hindi nila napu-prove ‘yan, nililihis na nila, ‘yung pagkatao at pagkababae ko na ‘yung tinitira nila. Ipinapakita nila napaka-imoral ko, kasi hindi nga nila napu-prove, wala silang credible evidence diyan sa sinasabi nilang sangkot ako sa droga,” ayon kay De Lima.

Sa testimonya kahapon ni convicted kidnapper Jaybee Sebastian sa Kamara, sinabi nitong nagbigay siya kay De Lima ng kabuuang P10 milyong drug money.

Inabot niya umano ito sa security aide ng senadora na si Joenel Sanchez na ayon pa kay Sebastian ay kasintahan ng senadora dahil minsan niyang narining na tinawag itong “sweetie” at nakita pa niyang magka-holding hands ang dalawa.

Ngunit pinabulaanan ito ni De Lima. “Saan naman nanggaling ‘yan? Holding hands? Oh, God. Wala akong ka-holding hands. Kung minsan lang inaalalayan ako kung dangerous ‘yung dadaanan. Anyone of my security can do that to me but not in a romantic way,” giit ni De Lima.

Pinabulaanan din De Lima ang sinasabing bagman niya si Sanchez dahil kailanman ay wala siyang pinahintulutang bagman.

“Walang pwedeng maging bagman ko because I never authorized that.

I will never authorize that. I will never be like that. Walang pwedeng maging bagman for me, whether security or staff ko or kamag-anak ko.

I will not and never receive any money from acts of corruption,” dagdag pa ni De Lima.

11 Responses

  1. Ilan na silang nag tutulong tulong isang babae lang yan pati mga convicted kinutsaba na pati mga dutertards sa social media,ala kayo sinabi basta pag kasinungalingan alang mangyayari jn ang katotohanan pa rin ang mananaig #tatagdelima…

  2. baka naman yang mga sinasabing bagman ni delima yan mga nakikinabang sa perang kinukuha nilasa mga inmates,,malamang hindi alam ni delima yang pangogolekta nina sanches at dayan,lumalakad ng sarili yang dalawa at napaikutan nila si delima..

      1. ate, ask ko lang po bakit nyu gusto ilabas agad ebedensya. di ba di pa tpos ang session sa kongreso. kaya cgru baka pwede pa kau mkapag hintay kahit konting panahon. after nito mgbabago nrin pananaw nyu sa buhay. unless maganda tlga bigayan dyan.