Hindi na paawat ang KathNiel sa paggawa ng pangalan sa international scene, matapos gumawa ng ingay sa Vietnam at Barcelona, Spain, sa Latin America naman sila eeksena dahil napapanood na roon ang pinagbidahan nilang bersyon ng “Pangako Sa ’Yo.”

Gamit ang international title na “La Promesa,” ang “Pangako Sa ’Yo” tampok sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay mapapanood na sa Peruvian TV channel na PanAmericana na naka-dub sa wikang Espanyol.

Ang PanAmericana Television ay ang nangungunang TV station sa Peru. Sila ang lider sa paglikha ng nangungunang newscasts, entertainment at variety shows.

Ang `Pangako Sa ‘Yo’ ang ikalawang Pinoy teleserye na napapanood sa nasabing lugar matapos ang matagumpay na pagpapalabas sa “Puentes De Amor” o “Bridges of Love.”

Sa pagbubukas pa lang ng taon, agad na umeksena ang KathNiel abroad matapos magwagi bilang Best Foreign Actor at Best Foreign Actress sa ginanap na  Face of the Year Awards sa Ho Chi Minh City sa Vietnam para sa kanilang pagganap sa “Got to Believe.”

Sinundan ito ng kanilang box-office movie na “Barcelona: A Love Untold” na umeksena sa Spain.

Kahit nasa ibang bansa ay dumog pa rin ang fans sa location kaya  agaw-eksena talaga ang KathNiel loveteam doon. Sa ngayon, mahigit P200M na ang kinikita ng pelikula.

“It’s Showtime” sandamukal ang sorpresa ngayong Oktubre!

Noong Sabado (Oktubre 1), nagsimula na ang pagdiriwang sa pagtitipon-tipong ng lahat ng hosts ng programa kasama ang girl group na 4th Impact, dance group na XB Gensan, shadow play group na El Gamma Penumbra, at si Arnel Pineda upang ipasilip ang isang buong buwan ng umaapaw na kasiyahan na pinamagatang “haPITOgether.”

Tutuntong uli sa entablado next week ang “It’s Showtime” champions para magpasiklaban at muling magpabilib sa madlang people.

Abangan ang pagbabalik ng champions ng “Magpasikat”, “Kalokalike,” “That’s My Tomboy,” “I Am PoGay,” “Funny One,” “Mini Me,” “Stars on 45,” at iba pang patimpalak sa nakalipas na pitong taon.

Sa ikatlong linggo ng Oktubre, muling ibibigay ng hosts ang kanilang ibubuga sa taunang kumpetisyon nilang “Magpasikat Week.”

Abangan ang pasabog at groupings nina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Amy Perez, Joey Marquez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jhong Hilario, at Kuya Kim Atienza sa “best performance of their lives.”

Kakampi rin nila ang Hashtags at Girltrends sa mga ito.

***

Parang bata si Tom Rodriguez sa abot-tenga nitong ngiti nang sorpresahin ng kapwa niya Someone To Watch Over Me cast members para salubungin ang kanyang 29th birthday.

Nasa Instagram page ng kanyang on-screen love team na si Lovi Poe ang isang video ng surprise ng cast at production para kay Tom.

Ayon sa caption ng aktres, “Happy birthday to my faux husband Tom Rodrguez!!! I’m completely drawn to your beautiful soul. You deserve all of the wonderful things in life!”

***

Handa na ang Kapuso Network para sa isang special report sa unang 100 araw ng Administrasyong Duterte.

Ito ang “PDU30@100” na mapapanood sa Linggo (Oct. 9) after ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Pangungunahan ito ni Jessica Soho.

Kasama niya, full force ang GMA reporters na magbibigay ng update sa mga plano at aksyon ng Duterte administration sa laban kontra illegal drugs at krimen, usaping pangkapayapaan, pag­resol­ba sa trapik, ekonomiya, korapsyon, kahirapan, agrikultura, at kalika-san.