PATI sa radyo ay nagre-react na ang ilang showbiz personalities na pinagdududahang nasa listahan na involved sa droga.
Nababanggit na kasi ng ibang radio commentator ang ilang pangalan pero hindi kinumpirma.
Nagre-react agad sila dahil feeling nila tinitira na sila.
Ganu’n na ka-praning ngayon ang ilang celebrities na maaaring involved sa masamang bisyong ‘yun.
Mabuti at sinimulan ng Star Magic ng ABS-CBN 2 na mag-conduct ng drug testing para na rin sa kapakanan ng artistang inosente sa naturang isyu.
Hiningan namin ng opinyon ang ilang taga-Star Magic kaugnay sa pagkakaroon ng drug testing, pero ayaw nilang magsalita. Mabuting hintayin na lang daw ang statement ng Star Magic at ng ABS-CBN 2.
Ang una kasing pahayag nila, 40+ ang nag-voluntary drug testing, pero bakit tatlo lang ang binanggit na negatibo.
***

Itinanggi ni Tim Yap kahapon sa DZBB Super Radyo ang matagal nang bintang na nagbebenta siya ng droga.
Ayon sa isang source, noong pumutok ang isyung ito ay nasa Europa ang nasabing TV host at event organizer.
Hindi muna ito umuwi at nagpalamig.
Nilinaw ni Tim sa interview kahapon sa radyo na hindi siya nagtatago, at handa siyang makipag-cooperate sa authorities.
***

Nag-post kahapon sa Facebook si Luis Manzano ng certificate na negative siya sa droga.
May litrato rin na katabi niya ang isang pulis.
Ani Luis, “Drug test done in Camp Crame under Chief Trampe of the PNP Crimelab.”
“Sa kagwapuhan lang ako positive.”
***

Hiningan namin ng pananaw si Joross Gamboa kaugnay sa drug test nang nakatsikahan namin sa presscon ng Superstar Duets.
Kahit siya ay okay lang na magpa-drug test. Pero meron lang sana siyang request pagkatapos ng drug test.
“Feeling ko naman, hindi na nila kailangang pangalanan kung sino ang mag-positive.”
“Internal na lang na usapan sana ‘yun ng management. Pangalan kasi ang nagdadala sa isang artista, eh. ‘Yung pangalanan, ang mga pusher, huwag na ang user,” pakli ni Joross.
“Just to be fair, hindi lang sana mga artista, pati sana sa production, mga crew na ‘yung nagtatrabaho sa isang produksyon,” dagdag pa niyang pahayag.
Sana raw, tuluy-tuloy na ang campaign na ito laban sa droga, pati na rin sa mga taga-showbiz.
***
Simula mamayang gabi, 6:30-7:30 PM, tumutok na po kayo sa daily showbiz radio program namin sa DZRH, ang Morly and Gorgy: Showbiz Talk Ganern?!
Kasama ko po rito si Morly Alinio na magbibigay sa inyo ng mga latest tsika sa showbiz at ilan pang maiinit na isyung pinag-uusapan.
Araw-araw n’yo po itong mapapakinggan sa DZRH mula Lunes hanggang Biyernes.
Pagdating ng Linggo, meron uli kami ni Morly na Showbiz Talk nang 9:00-10:00 PM.
Sana si mocha pa drug test din!!! sige nga tignan natin…………….
maraming addict at pusher dyan sa showbiz , lalo na yun gmedyo na lalaos na.. karamihan yan sumuporta pa sa bagong presidente…. ngayon yari kayo.. sanan walang itago lahatin ang mga yan…
.. bakit positve of shabu lng ang testing nila. e ectasy ang karamihan tinitira ng mga showbiz
personalities. as shown by luis manzano.
tanga kasama na yun!!!
napakatanga mo celebrity ectasy ang ginagamit hahaha
Talagang napakaraming mga artista ang nasa droga, gumagamit man o nagtutulak. Saksi ang batikan actor na si John Regala at kung siya ang tatanungin ng PNP ay marami siyang maikukuwento. Di ako magtataka kung itong si basagulerong Biron Gaisar ay adik din.
Sigurado yan. Takot na nga yan at nagpa drug test sa isang “kowboy” niyang kaibigan daw at nag negative siya. Desperado na ang mga artistang yan. Sa mga susunod na mga araw, lantad na ang mga yan.