Walang pakialam ang Pilipinas kung sino kina Hillary Clinton at Donald Trump ang mananalong pangulo ng Estados Unidos sa Nobyembre.

Sa press briefing kahapon sa Kamara, sinabi ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na wala rin silang planong suportahan ang sinuman sa dalawang nabanggit na kandidato dahil ayaw nilang makialam sa internal affairs ng Amerika.

“Sabi ko na huwag tayong makiaalam sa internal ng isang bansa, anong pakialam natin kung sinong manalo dun… ‘di naman tayo Amerikano. Buti kung Amerikano tayo mangangampanya tayo sa isa sa kanila,” ani Alvarez.

Sa Nobyembre ay muling pipili ang United States (US) ng kanilang susunod na pangulo sa pagitan nina Clinton ng Democrats at Republican na si Trump.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos mauwi sa nasabing isyu ang pagtukod ng Kamara kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang paninindigan na hindi dapat makialam ang Amerika sa problema ng Pilipina­s partikular sa droga.

“Para sa akin naman, sovereign concern itong problema natin eh, hindi naman siguro dapat may makiaalam na ibang bansa sa problema natin,” ani Alvarez.

8 Responses

      1. Bakling,,Walang lasa sa akin yang shabu…cocaine tinitira ko rito..
        at yong aso mo uuwi ako at lulutuin ko yan Kalderetang aso ..matagal na akong hindi nakatikin ng aso…..salamat..sa gracia…

      2. ay sosyal ang futa cocaine daw hahahaa, tama na ang pag papanggap tigilan mo na ang kasisinghot ng katol, sabi ko sa yo masama epekto eh yan tuloy umiinom ka na ng gamot sa utak hahahaha