TUWANG-TUWA ang mga taga-GMA 7 dahil nalagpasan na pala ng Encantadia ang rating ng Ang Probinsyano magmula nang pumasok sa kuwento si Alden Richards bilang si Lakan.

Ayon sa natanggap namin text message, mula sa AGB Nielsen NUTAM survey, nakakuha ng 12.6% percent ang Encantadia at 12.2% ang Ang Probinsyano ang rating nu’ng Biyernes.

Magmula nang pumasok si Alden, pataas nang pataas ang rating nito at pumantay na ito sa katapat nu’ng nakaraang linggo.

Ngayon ay nalagpasan na niya kaya lalong na-challenge ang mga taga-Encantadia para pagandahin ito.

Pati ang Alyas Robin­ Hood ni Dingdong Dantes ay consistent na mataas na rin at lumalayo na ang agwat nito sa katapat na Magpahanggang Wakas.

Nu’ng Biyernes ay may 10.5% ang Alyas Robin Hood at 9.1% ang Magpahanggang Wakas.

***

Dapat ay papasada kahapon si Derrick Monas­terio sa jeepney bilang bahagi ng immersion niya para sa bagong sitcom niyang Tsuperhero.

Naka-schedule na sana siyang mag-drive sa isang jeepney sa Pandacan, pero hindi muna nila itinuloy dahil lumakas ang ulan.

Gusto sana ni Derrick na ma-experience kung paano mag-drive sa isang pampasaherong jeepney at kumain sa ka­rinderia na kinakainan ng mga driver.

Sinubukan niya munang mag-commute sa jeepney nu’ng nakaraang linggo, pero pinagkaguluhan na siya lalo nang dumating sila ng Cubao.

Baka bukas ay itutuloy na niya ang immersion.

Gusto talaga ni Derrick na masubukan at ma-feel ang buhay ng jeepney driver, dahil kinakarir niya nang husto itong bagong project niya sa GMA 7 kasama si Bea Binene.

2 Responses