SUPER HAPPY ang magdyowang Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes dahil kasama nila sa America ang super cute nilang baby na si Letizia.

The day before their flight, ang sabi sa amin ni Dong ay hinihintay pa nilang dumating ang passport with US visa ni bagets.

Naayos ang lahat kaya natuloy ang first e­ver travel abroad ng napaka-pretty na 9-month-old daughter ng DongYan.

Nakita namin ‘yung pinost na pic ni Ate Gay sa IG na kasama nito ang DongYan at si Baby Z.

Sina Ate Gay, Boobay at Boobsie ang guests sa DongYan Laugh Trip sa America na September 23 ang unang show sa The Nourse Theatre sa San Francisco, tapos ay sa Pearson Park Amphitheatre sila sa Anaheim kinabukasan.

Aabangan ng DongYan fans ang Instagram cove-rage ng mag-asawa sa first US trip ni Baby Zia.

Umalis ng bansa na masaya si Dong dahil ang ganda ng mga feedback sa action-drama series niyang Alyas R­obin Hood na nag-umpisa nu’ng Lunes.

Ang sabi ng netizens sa social media, impressive ang bagong primetime series ni Dong and it exceeded their expectations.

Hindi lang ito typical paastig na serye kundi isa itong quality action TV show na perfect pro­ject for Dingdong.

Wagi ang Alyas R­obin Hood sa kalaban base sa overnight people ratings ng Nielsen Philippines TV Audience Measurement.

Sa National Urban Phils. ay 10.1% rating ang nakuha nito laban sa 9.5% ng katapat na programa sa kabilang istasyon.

Sa Urban Luzon ay 11.3% ang nakuha nito habang 7.8% ang katapat.

“Mula sa buong team ng Alyas Robin Hood, mara­ming salamat sa lahat ng nanood,” tweet ng GMA Primetime King.

One Response