Inaasahang dudumugin ng mga kapulisan, sundalo at mga mananakbong bulakenyo ang ‘Run against illegal drugs’ na inorganisa ng Bulacan Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Bulacan Police Provincial Office(BPPO) para masugpo ang suliranin sa droga na gaganapin sa Oktubre 8 sa Malolos Convention and Sports Center sa Malolos City, Bulacan.
Pangungunahan nina P/Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr, acting Bulacan police director at P/Supt. Frankie C. Candelario, Company Commander ng PPSC, katuwang ang event organizer na si Sunny Pantua ng Team BRO ang footrace na may 5 at 10 kilometrong ruta.
Maaaring magpatala sa BPPSC Headquarters sa Camp Gen. Alejo S. Santos sa Malolos City, Bulacan.