‘Sana mapatawad n‘yo ang asawa ko’ — Mrs. Tanto

Umapela si Annezah Tanto, misis ng suspek sa road rage sa Quiapo na si Vhon Tanto sa pamilya ng biktimang si Mark Vincent Geralde na sana ay mapatawad ang kanyang asawa sa ginawa nito.

Sinabi pa ng ginang na palagay na umano ang kanyang loob dahil nasa kamay na ng mga awto­ridad ang kanyang mister.

Samantala, sinabi naman ni Vhon na hindi n‘ya sinasadya ang nangyari.

“Hindi ko gusto ‘yung ginawa ko pero nagpan­ting na talaga ako dahil no’ng bumalik ako sa loob ng kotse nilapitan pa niya ako, nakikipagkamay siya hindi ako nakipagkamay sabi ko okay na ‘yon nailabas na naman namin ‘yung galit namin, kaso nagsalita pa siya ng P….I mo ang yabang mo pala e gusto mo basagin ko itong salamin ng kot­se mo, dun na ako parang nablangko kaya kinuha ko ‘yung baril ko at saka binaril ko siya”.

Si Tanto ay inihatid ng mga tauhan ni Police Chief Supt. Melvin Ramon Buenafe, PRO-5 Regional Director Highway Patrol Group (HPG) at Philippine Army matapos itong matunton sa Milag­ros, Masbate.