Nagbabala kahapon si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa laban sa naitalang 304 prank callers sa 911 emergency hotline ng pulisya at sa mga magtatangka pang tumawag na sinusubaybayan na ng 911 system ang mga ito at sisiguraduhing matutukoy at maaaresto ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Sa naitalang 2,475 tawag mula alas-12:00 midnight-7:00 a.m. ay nasa 1,356 ang prank calls at 304 sa mga ito ang na-validate na.
“Refrain prank calls and test calls. You clog up the lines and prevent people with real emergencies to reach us,” ani Dela Rosa.
Sa isang ambush interview ay sinabi naman ni Sen. Richard Gordon na kailangang bigyan ng kaukulang parusa ang manloloko sa hotline ng gobyerno. Ang 24-hour hotline ay inilunsad para sa reklamo ng taumbayan at emergency call.
Sa Estados Unidos, aniya, takot ang mga caller na manloko sa 911 dahil makukulong sila ng isang taon at may multang aabot sa $10,000.
Nanindigan pa itong dapat magkaroon ng mabigat na parusa sa prank callers dahil mahalaga ang biyahe ng bawat ambulansiya, fire truck at police patrol kung negatibo naman ang kanilang nirespondehan at nagkataon na may pangyayaring mas kinakailangan ang kanilang presensiya.
Payo pa ng senador, dapat na paigtingin ng pamahalaan ang command and control upang hindi laging mabibiktima ng mga prank callers na walang magawa sa buhay.
Iginiit pa ni Gordon na hindi ito nangyayari sa kanyang pinamumunuang Philippine National Red Cross dahil may mga volunteers sila na agad na nagbe-verify sa lugar kung totoo ang tawag at nangangailangan ng tulong.
Dapat isabatas na ang pagregister ng sim card para hindi nagagamit sa kalokohan
magpalit kayo ng sim card ng globe, sigurado kakainin lang ang load nyo, wala na kayong pang prank call.
Paano mahuhuli ang mga pranksters na yan kung hindi rehistrado ang mga SIM card na ginagamit nila? Napakadaling magpalit ng SIM card.