HINDI makapaniwala si Kakai Bautista na nakasama siya sa pelikula ng dating lady boss ng ABS-CBN at comebacking actress na si Ms. Charo Santos-Concio na Ang Babaeng Humayo.

Kuwento ng Dental Diva, matagal na silang magkaibigan ni Direk Lav Diaz, mahaba pa ang buhok at balbas nito.

Inimbita siya nitong maging part ng Hele sa Hiwaging Hapis, pero hindi siya nakasali dahil sa schedule niya at sa layo ng pinagsyutingan.

Itong bagong obra ni Direk Lav ay puma­yag siya agad-agad nang kunin siyang maging bahagi ng cast, pero hindi sinabi sa kanya kung sinong bida, surprise raw.

Nagpunta ng location sa Mindoro si Kakai na walang idea kung sino ang lead star ng movie.

Nasa hotel siya at nagbi-breakfast nang big­lang dumating si Ma’am Charo at kaswal siyang tinanong kung kumain na siya.

Nalokah siya dahil ito pala ang bida ng pelikula.

At mas nalukring siya dahil lahat ng eksena niya sa pelikula ay si Ma’am Charo ang kasama niya.

Sey ng komedyana, basurera ang role niya at may isang mahabang monologue si Ma’am Charo na kinunan habang umuulan, na tinanong siya nito kung kumusta ang akting nito. Walang masabi si Kakai dahil sobrang husay ng batikang aktres.

“Bukod sa araw-araw akong nai-starstruck sa kanya, kasi parang, ‘Si Mama Mary ba, bumaba sa lupa?’ Ha! Ha! Ha!

Charo Santos
Charo Santos

“At saka grabe siya, ‘Ma’am Charo, magpayong kayo, umuulan!’ ‘Okey lang ‘yan!’ A­yaw magpayong, hinahabol siya ng payong ng mga crew!

“Tapos, napaka-softspoken, parang laging may binabasang sulat. Sobrang nakakatuwa. Kasi, sa lahat ng makakatrabaho mo, Charo Santos pa?” namimilog ang mga matang tsika ni Kakai.

Patuloy ng Dental Diva, “Si Ma’am Charo po, sobra-sobrang jologs niya, sosyal na hindi mo maintindihan na kahit ano na lang ‘yung ano.

“Tapos, ‘Ma’am, retouch na po tayo.’ Hindi siya ‘yung humihingi ng tissue na, ‘O, pengeng tissue!’ ganu’n, keme. Ako pa ‘yung, ‘Pengeng tissue!!’ Ha! Ha! Ha!

“Ikaw, mapapanganga ka na lang kasi sobrang husay. ‘Yung mga eksena niya rito, lalo na ‘yung umuulan, parang ginaganu’n ‘yung puso ko. Sobrang grabe!

“Gusto mong magreak kayong lahat na kasama roon sa eksena, gusto n’yong mag-iyakan, hindi ka makapagreak, kasi kailangan mong makinig sa kanya, eh.

“Kaya talagang, ‘Haayy, bakit nga­yon lang siya ulit gumawa ng pelikula?’ Parang ganu’n. Grabe!

“Tapos, itatanong niya sa ‘yo, ‘Kamusta, okey lang ba?’ Parang, ‘Wow, saglit po!’ Wala kang masabi kundi, ‘Grabe naman, Madame!!’

“Hindi mo maano sa sarili mo na umiiyak ka na pala. Kasi, sa sobrang lalim ng husay ni Madame sa eksena na ‘yon, hindi ko na-realize na tumutulo na pala ‘yung luha ko sa sobrang galing niya.

“Kaya sobrang suwerte na ang solid lahat, from the staff to the artists. At saka si Ma’am Charo, wala akong masabi.

“Kulang na lang, belo. Umiilaw siya kahit ang dilim-dilim sa Mindoro!

“Grabe si Ma’am Charo! Grabe ‘tong pelikulang ‘to! Sobra!!” abut-abot na papuri ni Kakai sa critically-acclaimed lead actress ng Golden Lion winner sa Venice filmfest.

Sa September 28 ang showing nationwide ng award-winning film ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left).