Umapela ang liderato ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mambabatas at sa publiko na tutulan ang panukalang pagbabalik sa parusang kamatayan na isinusulong ng administrasyong Duterte.

Sa inilabas na ethical guideline na nilagdaan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng CBCP, nanawagan ito na hindi dapat na suportahan ang isinusulong na panukalang batas para sa pagbuhay sa parusang kamatayan.

“For many centuries, the death penalty was unquestionably accepted by most including the Church. However, with time our understanding evolves and we learn to become more human in our behavior according to the dignity bestowed upo­n us and our moral sense evolves,” sabi pa ni Villegas.

2 Responses