Binigyang-diin ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay Pampanga congresswoman na napaka-unfair at masyadong malisyoso na paghinalaang may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakabasura ng Korte Suprema sa plunder case ng dating presidente.
“It’s unfair to President Duterte. President Duterte is a lawyer he knows what the law is. In fact, nu’ng inalok niya kay dating Pangulong Arroyo was pardon, that’s the only thing he can offer and President Arroyo neglected the offer because bago ka ma-pardon ay kailangang aminin mo muna na may kasalanan ka,” paliwanag ni Atty. Laurence Arroyo, legal counsel ng dating Pangulo.
Si President Arroyo, aniya, ay ayaw aminin na may kasalanan ito.
“Ayaw niyang gawin kahit makulong pa siya ng more months o ilang more years sa paghihintay sa desisyon ng Korte Suprema. That’s the one thing she would not do, admit to the crime she did not commit,” ayon pa kay Atty. Arroyo.
“It’s unfair to the Supreme Court and to President Duterte to even insinuate na si President Duterte ay may kinalaman diyan,” dagdag nito.
Sinabi pa nito na napaka-speculative ng mga naturang mga haka-haka.
“Tsaka medyo malicious at nakakahiya naman sa Korte Suprema. The Supreme Court is composed of 15 members, each with his or her independent mind and competence,” ayon pa sa legal counsel.
Haka haka nga naman…
Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng kampo ni CGMA kung ang desisyon ay hindi pabor sa kanila? Sasabihin pa kanya nila na ang mga justices ng SC ay may kanya kanyang independent mind at competence?
Mga TANGA lang ang maniniwala sa inyo uuuyyyyy !!!
weeee… di nga? lol katawa ka!
BFF kayo….
More changes will come… Jingoy, Bong, Napoles, Ampatuans.
puro hinala wala naman proweba..eh ano naman ang kinalaman dun sa panahon ng kampanya. nagsalita na nga c GMA na inalok sya ni Duterte ng pardon pero di pumayag si GMA. Sa tingin ko pulitika ang nasa likod ng pagkakulong kay GMA dahil ilang beses na cancel ang kanyang hearing sa korte. naka.apat na taon na sya sa hospital arrest pero ni isa walang hearing na nangyari.
Moro moro lang iyun kunyari ayaw pero gusto. Tulad ng kay Erap convicted plunder, pres. Pardon ni GMA
Isa ka pa sa mga naloloko ng mga Pulitiko. Kaya hanggang ngayon. Yan ganyan ka pa rin…
pano pong hindi maghihinala ke Digong eh kampanya pa lang eh sinasabi na nya na papalayain nya ci ate glo…
ganoon nga hinog na kasi kaya pinawalang sala sya ng mga mahistrado na pwede ng magretiro sa alok ni gma.