‘Wag ipahiya ang mga Intsik

Dahil walang kapupuntahan kung makikipag-giyera ang mga Pinoy sa mga Intsik, nanawagan na rin si Isabela Rep. Rodolfo ‘Rodito’ Albano III na huwag nang tuyain o ipahiya ang mga Intsik matapos matalo at pumabor ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa reklamo ng Pilipinas.

Naniniwala si Albano na dapat ay dati pang ginawa kahit ng nakalipas na administrasyong Aquino ang pakikipag-usap sa China para naplantsa ang gusot sa pinag-aagawang teritoryo.

“‘Yun ang pinakamaga­ling na unang-una, dati pang ginawa ng dating gobyerno ang bilateral talks kasi ‘yung pagkapanalo naman natin sa Hague, alam naman natin na hindi susunod ang mg Chinese d’yan. Alam mo may tinatawag na might is right, kahit humingi ka ng tulong sa Amerika hindi naman nakapirma ang Amerika sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) na yan kasi  hindi rin naman sinusunod ng Amerika ang UNCLOS, buti nga ang China nakapirma pa,”paliwanag pa ni Albano.