Umapela si Presiden­tial Spokesperson ­Er­­nes­to­­ Abella sa publiko na huwag­ masyadong kagatin­ o lunukin nang literal­ ang mga ipina­hahayag ni P­angulong ­Rodrigo Duterte.

Nagbigay ng paglilinaw kahapon ang taga­pagsalita ng Palasyo kaugnay sa statement ni Pangulong Digong kama­kalawa na nakahanda itong makipag-break o putulin ang realasyon sa Amerika.

“Ang mahalaga diyan intindihin natin ‘yung word na cut ng ties sabi­ he might okay let’s try to use our creative imagi­nation. Okay, huwag tayong­ masyadong literal ganu’n nga siya magsalita. You’ve seen the way he speaks so in other words tingnan natin ang konteksto ng pagkakasalita niya okay.

So at this stage kung tinatanong mo ang opinyon ko, ang opinyon­ ko ay sinasabi niya na ito ang US pero ngayon ­hindi na tayo nakadikit sa US tinitingnan din natin­ baka puwede tayong makipag-­usap sa Russia at saka sa China at palagay ko kung sino pa ang makakatulong sa atin. In fact he’s creating a relationship with the ASEAN hindi ba?

Gumaganda na ang relasyon natin sa kanila,” pagpapaliwanag ni Abella.

Nangangahulugan, aniya, na ang “break-up our ties” statement ay ang maigting na pagnanais ni Pangulong Duterte na isulong ang independi­yenteng polisiya­ pagda­ting sa usapin ng ugnayang­ panlabas.

“That in the future he might, he might move. So in the present there is no move yet but that in the future he might. Simply­ that he again I would like to… the way he ­expresses himself it is that he still wants an ­independent foreign policy so in other­ words breaking-up may not be necessary be breaking-up alliances in that way.

It may but he is not saying that basically­ he’s just… going back to the statements that he made it is basically­ ­expressing an independent foreign policy­ that it is not exclusive that it is inclusive­ that we are not to be held down by any just one treaty for example,” wika ni Abella.

5 Responses

  1. Iapela mo ang kaso ng 2 Chinese at 1 Russian na nagtangkang magpasok ng high grade cocaine na nahuli kahapon para hindi masira ang plano ni Duterte na makipag relasyon sa China at Russia. Pagbigyan mo sila ng special treatment. O ang mas mabuti siguro, pakawalan na lang sila.