Muling idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong planong gayahin si ex-President Ferdinand Marcos partikular na sa pagiging diktador.

“Wala akong balak na maging diktador. Abogado ako. Ang nanay ko Yellow Friday leader sa Davao. Sasabihin… mag-Marcos. Far from it. I am just doing my duty…or else, I will compromise, makokompromiso ang next generation natin,” pahayag ni Pangulong Digong.

Ipinahayag ng Pangulo na hindi ito magiging style-Marcos kasabay ng pagsalubong sa mahigit 100 OFWs na ni-repatriate mula sa Saudi kahapon.

Hindi umano magdedeklara ng Martial Law ang Pangulo kahit pa sa gitna ng nagaganap na pamamaslang bunsod ng inilunsad na giyera kontra sa iligal droga.

Ayon kay Pangulong Digong, maging siya ay nasasaktan din sa kaliwa’t kanang pagtimbuwang ng mga kababayan.

“We do not enjoy killing people. I do not enjoy this war. I hate to sign documents that would procure things that would just kill or maim your citizen,” sabi ng Pangulo.

“Kaya ito, naumpisahan ko na lang rin. Tatapusin ko na lang,” dagdag nito.