‘Wala kaming away ni Piolo!

EXCITED ang members ng enter­tainment press. Kasi, ang last mo­vie queen na si Judy Ann Santos-­Agoncillo at ang resident hunk at drama actor ng Dos na si Piolo Pascual… magsasama sa Sun Life Finanacial press payanig.

Ang kaso, hindi sila sabay isinalang sa entablado.

Una muna si Juday, na gandara parks in her ultra sosyalin royal blue dress. Si Papa P naman, very papable in his all gray number.

Photo opportunity moment lamang ang kanilang pinagsamahan. May sariling holding areas ang da­lawa for their separate interviews.

Very Hollywood, huh?! Nagmamataray.

Sa photo op, they looked so good together. It’s All Coming Back To Me Now ang emotada encarnacion.

Pag-amin ni Mrs. Agoncillo, “Naku, wala ka­ming away ni Pio­lo. Hindi kami nagtatarayan, wa­lang isnaban na nangyayari sa a­ming dalawa.”

Aliw ang diva that you love sa des­cription ni Judy Ann.

First time kong marinig ang mga salitang “taray” at “isnaban” na ang reference ay isang papable papa.

***

Halatang kabado, pero ­excited ang last movie queen sa question and answer portion.

“Medyo nananibago, siempre, nice to see ­familiar faces, ang dami na ring bago.”

Inamin ni Juday na in her mid-twenties na siya when started to make ipon at pamahalaan ang kanyang mga finances.

“I made it a point to save. May account akong hindi talaga ginagalaw.

“Kasi noong araw, nu’ng may Eye to Eye pa, ‘di ba, may mga malungkot na stories na may mga artistang hindi nakapag-i­pon…

“Iyun ang parang eye opener sa akin.”

Patuloy niya, “Ngayong wife and mom na ako of three kids, naging iba talaga ang priorities.

All of a sudden you are selfless and you always think what is best for your kids, what is best for your future.

“Ganu’n yata ang lahat ng nanay. Of course, don’t get me wrong, I still buy things that make me happy.

“I don’t want naman to deprive myself at nagpapakamartir na ako.”

Kumusta sila ni ­Piolo?

“Ay, kami we’re okay. Wala ka­ming issue. Walang ­feeling of discomfort or ilang.

“Happy to see that he is doing well. Hindi pa kami dumadating du’n sa mga masinsinang usapan and feeling ko, darating din naman in due time.”

In due time, malalaman na rin kung ano ang mangyayari sa ina­abangang kabugan nila ni Nora Aunor sa Cinemalaya filmfest.

Si Mrs. Agoncillo ang bida sa Kusina, samantalang si Ate Guy ang nagrereynang uri bilang binukot sa Tuos.

“Nakaka-tense naman ‘yan, hahaha! Siyam naman kaming pelikulang kasali sa Cinemalaya.

“Sobrang taas ng respeto at paghanga ko kay Ate Guy. Wala talaga akong pwedeng masabi tungkol diyan. Masaya na ako na may pelikula sa nasabing film festival.”

***

Ang mga hindi ko makakalimutang impressions tungkol kay Piolo Pascual, una, the patented Papa P chuckle.

There is something about his chuckle na parang perfect mix of a nervous laughter with matching kilig at amusement sa tanong na naririnig niya.

Hindi rin pwedeng ikaila na he is one actor who becomes yummier as he ages.

And his physical perfection, he gives credit sa “right wellness choices, exercise, good sleep and proper food intake.”

Wala sa bokabularyo niya ang salitang “top,” mas ginagamit niya ang sa­litang “prime,” para i-describe ang state of his ­career at finances.

Para kay ­Piolo, “Judy Ann will always be a part of my life. She plays a big part of my success.

Wala ako where I am now, if not for her.

“We never had a falling out. We never had a fight. We’ve been friends for the longest time.

“I consider her as one of the most valuable people,” dagdag pa ni Pascual.

“I’d like to work with her again, sana sa pelikula. I already pitched the idea and the concept kay Bb. Joyce Bernal.

“Sana magawa naman in the nearest ­future,” sabi pa nito.

Ayaw na ring pag-usapan ni Papa P ang kanilang nakaraan, “She is happily married now. I don’t think na it’s appropriate pa to ­discuss things from the past.

“Saka bata pa kami nu’n, we don’t know any better.”

Galing si Piolo sa London to take a short course on Apologetics. Ang Apologetics, ayon sa Wikipedia.com. ay, “The discipline of defending a position (often religious) through the systematic use of information.

“Early Christian writers (c. 120-220) who defended their faith against critics and re­commended their faith to outsi­ders were called apologists.

“In modern usage the term ‘apo­logetics’ is largely identified with debates over religion and theo­logy in the USA and is rarely heard in the UK (although the related word ‘apo­logist’ is used in British English.”

Kwento ni Piolo, “Masarap buma­lik sa school. Masaya ‘yung feeling na you wake up early, exci­ted ka sa class mo, may school ID kang suot.

“Marami akong bagay na natutuhan sa ilang araw kong pag-aaral. I look forward to learn more.”

And ang tinuturo niya ngayon sa kanyang only begotten son na Iñigo, “Ever since bata pa siya, I told him to save. And masunurin siyang anak.

“When he started to have his own keep, hindi ko na siya binibigyan ng sustento.”

Si Papa P naman, parang hindi ako comfortable sa word na “sustento,” mas bongga yatang pakinggan ang word na ­allowance, mas pam-father and son.