WEHHHHH: Kinumpirma na ni Jason Francisco ang paghihiwalay nila ni Melai Cantiveros.
Nakakalungkot, pero wala na raw Melason.
Ikinasal sina Melai at Jason noong December 9, 2013 sa Holy Cross Parish in General Santos City, tatlong buwan pagkatapos ma-announce ang pagbubuntis ni Melai sa anak nilang si Mela.
Two weeks ago, sinusubukan pa ng mag-asawang ayusin ang kanilang pagsasama, kaya ikinagulat ng lahat ang announcement tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Sinabi ni Jason na nagsimula ang kanilang ‘di pagkakaunawaan nang tanggapin ni Melai ang teleseryeng We Will Survive na nagtapos noong July 15.
Alam kasi ni Jason na sa pilot week lang meron leading man si Melai pero nagtuloy-tuloy pala sa istorya ang loveteam nila ni Carlo Aquino.
“Hanggang sa dumating ang punto na nanlalamig na kaming mag-asawa sa isa’t isa, ‘di na nagpapansinan sa bahay. “Hanggang sa ako’y sa kabilang kwarto na natutulog. Almost two months na kaming ganu’n.
“Ako’y iyak ng iyak parati, di pa ako nakaranas ng ganoong iyak sa buong buhay ko, sa lungkot na nangyayari sa amin, hanggang sa dumating na parati na kaming nag-aaway,” pagtatapat ni Jason sa Instagram.
“Nagkahiwalay na po kami. Wala na po ang Melason. OA (over acting) po ako magmahal sa asawa ko dahil di po ako showbiz eh, sa akin lang ay dapat may isinasaalang-alang ka dahil po iba-iba po tayo ng sitwasyon sa buhay.”
Nagselos ba nang sobra si Jason kay Carlo o ‘yung paglabag ng kasunduan nila ni Melai ang ikinasira ng kanilang relasyon?
Saan kaya hahantong itong medyo immature na paghihiwalay nina Jason at Melai?
Sana lang, whether magkahiwalay o magkasama, magkaroon pa rin sila ng Magandang Buhay.
***
HAVEY: Dalawang concerts ng top female artists ang hindi ko na naabutan sa US — ‘yung two night concert ni Adele sa Key Arena sa Seattle, ang one night only engagement ni Barbra Streisand sa Las Vegas at ang pagbabalik ni Celine sa The Colosseum sa Caesar’s Palace rin sa Vegas.
Sobrang rave ang kapatid ko na nagbiyahe pa from Portland, Oregon para lang mapanood si Adele.
Sabi niya, amazing si Adele. “Para siyang plaka na buhay! Ang galing niya!”
Once lang daw siya na-half flat. Towards the end, sa When We Were Young.
Pero generally it was a well scripted, well staged and well performed show.
Very tight and chic ang spiels pati ang lighting and use of visuals. Hindi OA.
At may bonggang paulan sa stage, ha, pero sa periphery lang naman para hindi mabasa si Adele.
Sa August 6, naka-reserve na si ZsaZsa Padilla ng tickets sa one night only concert ng idol niyang si Barbra Streisand sa Las Vegas.
Bihira nang mag-concert ang ultimate Diva na si Barang kaya not-to-be-missed-event ito sa fans niya.
A month after Barbra’s concert, magbabalik sa The Colosseum sa Caesar’s Palace sa Las Vegas si Celine Dion.
Itong concert hall acts nina Adele, Celine at Barbra ang mga pangarap na ipinapanalangin ng Pinoy fans.
Alam kong may effort ang iba’t ibang producers para dalhin sila rito, pero sino kaya kina Adele, Celine o Barang ang gusto ninyong maunang dumalaw sa ating bansa?
Ako, kahit sino… at sana, lahat sila, makapag-concert sa ating bansa.
***
WALEY: Madalas na dahilan ang pagiging broken hearted sa pagbabago ng hairstyle.
Sabi nila na it’s a girl thing, para ipakita ang pagbabagong buhay.
Pero parang nagtiyap ang tadhana kay Angel Locsin dahil maliban sa break up niya with Luis Manzano, magagamit niya ang haircut para sa bago niyang movie na The Third Party with Sam Milby and Zanjoe Marudo for Star Cinema.
Para raw talaga ‘yun sa pelikula at umaasa si Angel na bumagay ito sa kanya. Gusto rin niyang i-test if blonde girls have more fun!
May binabagayan ang blonde na buhok at medyo risque ang move na ito ni Angel.
Pero at least, masasabi niyang she’s tried it and she’s happy, so let’s leave it at that!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.
kawawa yung pinagseselosan,nadadamay ,