‘We’ll follow the law’ — Duterte

Susundin ni Pangulong Rodrigo Duterte ano man ang kahinatnan ng mga petisyon na inihain Supreme Court (SC) patungkol sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Kahapon ay naglabas ng status quo ante order ang SC kaugnay ng Marcos Burial at itinakda ang oral argument ng usapin sa Agosto 30.

Nang hingan ng reaksyon si Pangulong Duterte hinggil dito ay ganito ang itinugon ng Presidente, “wala tayong magawa we’ll just follow the law.”

Nauna rito, nagpalabas ang SC sa kanilang en banc session ng status quo ante order (SQAO) bilang pagpabor sa ani­m na petisyon inihain ng mga grupong tutol sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB.

Kasabay nito, iniatras rin ng SC sa Agosto 31 ang nakatakdang oral argument ngayong Agosto 24.

Iniutos rin ng SC na pag-isahin ang lahat ng petisyon na inihain laban sa kautusan ng Department of National Defense (DND) na nilagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Agosto 7,2016 na pumapayag na ilibing si Marcos sa LNMB.